Advertisers

Advertisers

3 tulak todas sa drug operations sa Bulacan at Nueva Ecija

0 182

Advertisers

TODAS ang tatlong tulak ng iligal na droga sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Bulacan at Nueva Ecija nitong Martes.
Sa isinagawang operasyon sa Northville 4A, Brgy. Lambakin sa Marilao, Bulacan, napatay ang mga target na kinilalang sina Danilo Pineda Paiste at Raffy Aniag Reyes.
Patay din ang tulak na si Jay Mark Dela Pena sa operation sa Barangay Mabini Homesite sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Nakuha kay Dela Pena ang 5 sachets ng shabu na humigit-kumulang P75,300 ang street value. (James de Jesus)