Advertisers

Advertisers

3 sumimot ng community pantry sa Pasig dumepensa

0 265

Advertisers

DUMEPENSA at humingi ng paumanhin ang isa sa tatlong babae na sumimot sa laman ng community pantry sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City.
Aniya, hindi naman sila magnanakaw at nagpaalam umano sila sa mga tanod at mismong may-ari ng community pantry.
Sinabi pa nito na layunin nila na ipamahagi ito sa kani-kanilang kapitbahay.
“Syempre po nasasaktan dahil kakaunti lang naman yon. Kaya po naming isauli yon kung ganyan lang din na ilalabas sa social media,” lahad pa nito.
“Hindi lang ‘yung pamilya nila o hindi lang ‘yung street nila ang nagugutom. Marami pa sanang gustong kumuha pero ‘yun nga ‘di nakakuha kasi kinuha nila lahat,” punto naman ni Carla Quiogue, ang nagtayo ng community pantry sa Kapitolyo. (Boy Celario)