Advertisers

Advertisers

‘RESIGN DUTERTE’ NAKAKUHA NG LIBO-LIBONG LAGDA ONLINE

0 278

Advertisers

LUMALAKAS ang panawagan na magbitiw si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapagtala ng mahigit 50,000 votes ang online petition na inilunsad kamakailan.

Sa pamamagitan ng online petition sa Change.org na may pamagat na “Save the Nation!Duterte Resign!, nitong Lunez ng umaga pa lamang ay mahigit 50K na ang pabor dito.

Ang online petition ay inilunsad kamakailan ay pinirmahan ng may 500 medical healthworkers na sinundan ng ilang miyembro ng academe,media,youth sector at negosyante.



Ilan sa mga hinting ng dismayadong netizens ay ang palpak na paghawak ng administrasyong Duterte sa covid pandemic at kawalan ng aksyon sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay Dr. Adelina dela Paz, Chairperson ng Health Alliance for Democracy, ang online petition ay hindi sang political statement kundi isang malakas na panawagan sa ating Pangulo na magbitiw na sa tungkulin.

Aniya, mahigit isang taon na tayo naka lockdown subalit mas malala ang sitwasyon ng covid crisis sa bansa.

Maging ang nga retired generals na kinuha ni Duterte upang manguna sa laban kontra covid ay wala ring nagawa mabuti sa bansa.

This statement will attest that people are no longer satisfied. If he doesn’t step down, then at least, the positive effect of this is it has made more people aware, made more people to be able to stand up and speak up,” ani Dr. Dela Paz.



Magugunitang sinabi rin ng OCTA research Group na ang kapalpakan ng administrasyong Duterte ang dapat sisihin kaya lumala ang covid crisis sa bansa. (Jonah Mallari)