Advertisers

Advertisers

Deadline sa pamimigay ng ayuda pinalawig ng DILG

0 244

Advertisers

PINALAWIG ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang deadline sa mga local government units upang ipamahagi ang cash aid sa mga pamilya na apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, pinag-uusapan na lang ng DILG at DSWD ang pera kung kailan ise-set ang deadline sa pamamahagi ng cash aid.

Magugunitang binigyan ng 15 araw ang mga LGUs upang tapusin ang pamamahagi ng cash aid subalit nakiusap ang mga LGUs na i-extend ito dahil kapos umano sa panahon lalo na sa Quezon City.



Ang NCR Plus Bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay isinailalim sa ECQ mula Marso 29 hanggang Abril 11 bunsod ng pagsipa ng covid cases. (Jonah Mallari)