Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MASAYA si Zara Lopez sa bagong blessing na dumating sa kanya. Ito ay via the movie titled Nerissa mula sa Viva Films.
Tampok dito sina Cyndy Miranda at AJ Raval. Kasama rin sa movie sina Sheree at Gwen Garci, under Direk Law Fajardo.
Bilang isang aktres na parte ng trabaho ang gampanan ang iba’t ibang papel na natotoka sa kanya, handang magbalik sa pagpapa-sexy ang dating Viva Hot Babe.
Saad ni Zara, “Noong nag-meeting kami, we talked about the love scene kung mayroon daw po ba akong restrictions. Sabi ko wala naman, kung ano man ang kailangan na eksena sa movie, gagawin ko.”
Esplika pa ng aktres, “Ang dami ko pong sexy videos na nagawa before sa Viva. Pero wala pa po akong nagagawa sa kanila na may love scene.
“This is the first time na mabigyan nila ako ng ganitong eksena, kaya why not po na gawin ko ulit kung nagawa ko naman po before. I’m a sexy star, I’m an actress po, so yun yung nabigay na role, eh ‘di let’s do this po. Hindi na din po ako bumabata, gusto kong habang hot pa ako at puwede pa, ilalaban ko pa rin po ito. Hehehe.”
Ang TV series nilang Ikaw Ay Akin starring Meg Imperial at Fabio Ide na napapanood every Saturday, 8pm, sa Net25 ay tatakbo hanggang June pa.
Mayroon ding forthcoming digital online show si Zara na ang title ay What’s The Buzz?. Kasama niya rito sina Sabrina M., Kristine Quinto, Jinky Aguilar, at Romm Burlat na magiging direktor din ng show.
Dapat ay last April 10 nag-pilot telecast ito, ngunit na-move ng May 8 nang nagbalik sa ECQ ang Metro Manila.
Abangan din si Zara sa virtual concert ni Sheree titled L’Art De Sheree. Dito’y may mainit na special na production number sila ng mga kasama sa Viva Hot Babe na sina Gwen Garci at Katya Santos, plus Sheree.
Ano ang dapat i-expect sa production number nila rito?
Wika ni Zara, “I-expect nila kung gaano ka-hot ang dance number ng Viva Hot Babes dito, dahil sigurado akong mas mag-iinit ang panahon after nila mapanood yung sayaw namin.”
Ang iba pang guests ni Sheree ay sina Gian Magdangal, Kristel-Pilipinas Got Talent winner, national artist in aerial and pole-Jamaica Jornacion, Johnny Sustantivo ng Talentadong Pinoy. Ito’y directed by Jamaica Jornacion and Noel Maximo.
May kakaibang patikim si Sheree sa dream virtual concert niyang ito na magaganap sa April 24, 2021, 8pm., kaya book your tickets now sa www.ktx.ph.
Sa ngayon, abala rin si Zara sa kanyang patok na patok na Sweet Reece’s business na may peanut butter, no sugar peanut butter, at yema spread.