Advertisers

Advertisers

TABOGON UMAHON, TALISAY WALANG TALO

Pil VisMin Super Cup..

0 236

Advertisers

WALANG kabog na diskarte sa krusyal na sandali para maisalba ng Tabogon ang panalo laban sa Dumaguete, 86-78, habang nanatiling malinis ang marka ng MJAS Zenith-Talisay City kamakalawa sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Alcantara, Cebu.
Nag-rally ang Voyagers sa 12 puntos sa second period, ngunit nagpakatatag sa second half, tampok ang 11-5 run ng sa third period para sa 60-55 bentahe.
Ratsada si Joemari Lacastesantos sa naiskor na 18 puntos, anim na rebounds at siyam na assists para sa ikalawang panalo sa apat na laro ng Tabogon.
Nag-ambag si Peter De Ocampo ng 15 puntos, habang kumana si Normel Delos Reyes ng 14 puntos, tatlong rebounds, at dalawang steals.
Makakaharap ng Tabogon ang MJAS-Talisay (4-0) sa Martes, ganap na 4:00 ng hapon, habang mapapalaban ang Dumaguete sa KCS-Mandaue (2-1) sa Miyerkoles ganap na 4:00 ng hapon.
Nanatiling malinis ang karta ng MJAS Zenith-Talisay City matapos pabagsakin ang kulang sa players na ARQ Builders Lapu-Lapu City, 84-75.
Hindi nakalaro sa Heroes ang mga suspindidong sina Jojo Tangkay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Dawn Ochea, at Ferdinand Lusdoc bunsod ng konterobersyal nalaro laban sa napatalsik na Siquijor.
Sa kabila nito, nagawang makabante ng Lapu Lapu, ngunit matatag ang MJAS sa pangunhuna ni Patrick Cabahug na kumana ng 17 puntos, limang reboubds at walong assists.
“Kailangan talaga magising ang team namin,” pahayag ni MJAS coach Aldrin Morante. “Lahat ng teams dito gusto kami talunin. Magigising talaga kami ngayon.”(Danny Simon)