Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MALAKING pasasalamat ni Paulo Avelino nung dumating ang serye na Walang Hanggang Paalam.
Ang dami raw kasi nawalan ng work nitong panahon ng pandemya.
Blessings para kay Paulo ang pagdating ng serye na katatapos lang dahil kungdi ay baka nakaranas raw ang aktor ng matinding depresyon.
Halos lahat ay nagdarasal na magka-work at kasama na nga raw ang aktor sa humihiling sa Itaas.
Nang dumating nga ang serye ay napaisip si Paulo kung dapat itong tanggapin.
Pasalamat ulit si Paulo at natapos naman nila ang serye na ligtas sila kahit pa araw-araw ay sila-sila ang nagkikita at sabay-sabay kumakain.
Nagpasalamat din ito sa co-star na si Arci Muñoz na lagi silang pinaglulutuan ng vege food.
Inamin ni Paulo na malaking tulong at nakaiwas siya sa depresyon ng dahil sa serye.
***
Ziggy wala pa ring bonggang selebrasyon
PARA raw kailan lang eto’t nagdalawang taon na si Sixto Dantes or mas kilala sa kanyang palayaw na Ziggy.
Si Ziggy ang second child nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
As usual, wala pa ring bonggang selebrasyon ang kanyang kaarawan kamakailan.
As in, simple lang para sa kanilang pamilya dahil sa pandemya.
Nakaka-strike 2 na nga raw si Ziggy dahil last year ay wala rin kaganapan na selebrasyon sa unang kaarawan nito.
Sa unang taon naman ni Ziggy last year 2020 ay kasagsagan ang killer virus kaya mahigpit ang health protocol noon.
At kahit naman din ngayong 2021 ay bawal pa rin ang mga party-party kaya naman nakaka-2 years na walang birthday celeb si Ziggy.
Wish naman ng kanilang followers na matapos na ang pandemic para sa ikatlong taon ay bongga na ang selebrasyon at wala na sana ang Covid-19 sa 2022 wish pa ng mga fanatic ng Dantes family.
Well, well, well…’Yun na!