Advertisers

Advertisers

Donita chef na sa supermarket sa Tate ni Krista

0 583

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MASAYANG ibinalita ni Donita Rose sa kanyang Instagram ang bago niyang trabaho sa America at ito nga ay bilang corporate chef  ng US-based Filipino  supermarket  na Island Pacific.

Ang official na posisyon ni Donita ay corporate  R&D  chef  o corporate  research  & development  chef.



Sabi ni Donita, dadalhin niya sa “next  level”  ang Philippine cuisine na makakasama niya sa trabaho si G Toengi na marketing and branding consultant  ng chain of supermarkets.

Mababasa ang post ni Krista Ranillo sa IG post ni Donita na, “Welcome  to the family Dee!  JP is blessed  to have you!” na ang tinutukoy ay ang anak ni Donita sa kanyang extranged  husband.

Ang Island Pacific ay pag-aari ni Krista at ng family nito.

***

MARAMI ang  nagtaasan  ang kilay nang isama pa rin si Derek Ramsay sa bagong serye ng GMA 7 na To Have and To Hold na tiyak daw na magiging kontroberyal.



Kaya  raw  magiging  kontroberyal ang serye ay dahil lesbian version daw ito ng My Husband`s Lover  na tungkol sa gay relationship. Ang seryeng To Have and To Hold ay magkakaroon ng relasyon sina Carla Abellana at  Max Collins.  Si Derek ang lalabas na asawa ng isa sa mga character nina Carla at Max na magiging ka-love triangle ng dalawang babae.

Naaliw at tuwang-tuwa naman ang mga bashers ni Derek dahil makatitikim ito ng panloloko ng asawa. Kahit daw palabas ito ay mararanasan din daw ng actor kung paano lokohin ng kanyang minahal at  parang nakaganti na rin daw si Andrea Torres sa ginawa sa kanya ng dating boyfriend.

Isa pa sa nakakaaliw na reaction ng netizen ay mabuti  raw at may asawa na si Max at engaged na si Carla dahil iwas na ang dalawa para mabiktima ng actor.

Nakatutok din ang viewers sa magiging working relationship nina Max at Derek dahil magkaibigang matalik sina Max at Andrea.

Ngayon pala ay marami nang pinoproblema ang mga netizen sa pagkakasama ni Derek sa bagong serye ng Kapuso Network. Walang paki naman ang actor sa mga basher basta masaya raw sila ni Ellen Adarna at  maayos ang relasyon. At engaged na rin naman si Derek kay Ellen.