Advertisers
AMINADO ang Department of Trade and Industry (DTI) na nasa P180 billion ang nawala sa kita ng pamahalaan dahil sa dalawang linggo na Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region (NCR) at 4 na karatig lalawigan.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang figure na ito ay katumbas ng nasa 1 percent ng P18 trillion gross domestic product ng bansa.
Matatandaan na sa kasagsagan ng 2 weeks na ECQ ay nagbawas ng operasyon ang mga establisiyemento, at tanging ang mga maikokonsidera bilang essential tulad ng health facilities, delivery services, at agriculture sector lang ang nakapag-fully operate.
Ngunit sa pagluwag ng quarantine status sa NCR PLUS ay dumami ang mga establisiyementong pinayagan na makapag-operate muli sa mas mataas na working capacity. (Josephine Patricio)