Advertisers

Advertisers

P122-M shabu huli sa 6 tulak sa Las Piñas City

0 379

Advertisers

LABING WALONG kilo ng iligal na droga, shabu, na nagkakahalaga ng P122 million ang nasamsam ng pulisya sa buy-bust operation sa Las Pinas City, Miyerkoles ng umaga.

Nadakip sa operasyon sina Reyano T. Oraid, Khen T. Moreno, Efren M. Mangona, menor de edad na si Redzcan M. Oraid, Abdulmunir M. Addin, at Shay An A. Mokamad.

Ayon sa ulat, 10:30 ng umaga nitong Miyerkules nang ikasa ang operasyon ng pinagsanib na mga elemento ng PDEA Regional Office-National Capital Region RSET 1, PDEA Region 4A, AFP Task Force NOAH, at Paranaque Police Station sa 134-E C.Tionquiao st., Gatchalian Subdivision, Las Piñas City.



Nasamsam sa operasyon ang 18 kilo ng shabu at dalawang sasakyan – Mitsubishi Expaner (NFU 8599) at Kia Rio ( EG 2874).

Kamakailan lang ay nakahuli rin ng nasa P210 milyong halaga ng shabu ang pulisya ng Las Pinas City, kungsaan nasawi ang dalawang tulak na sina Coco Amarga at Andrew Garcia sa Barangay Almanza. (Gaynor Bonilla/Mark Obleada/Ernie dela Cruz)