Advertisers

Advertisers

Nadine manhid na sa bashers; Kris nakabibilib ang pag-aalaga ng mga aso at pusang gala at sakitin

0 306

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI man bisi-bisihan sa mga showbiz project sanhi na rin ng pandemya na pumasok sa buong mundo at sa problema sa dating mother studio, ang  Viva Entertainment, nagiging visible naman sa kanyang mga tagahanga si Nadine Lustre. Dito niya nakakausap at nakakaugnayan ang kanyang mga followers. Pero sadyang malupit din ang mundo ng internet dahil sa hindi talaga mawawala ang mga bashers kahit pa anong ipost ng isang netizen.

Ano naman kaya ang say ni Nadine sa mga nambu-bully sa kanya sa internet?



“People are always so thirsty to shit on someone. I’ve always been bullied since I was younger, so I’m totally used to it. I’ve become bullet proof. I’m very much concerned for people who don’t have the same mental and emotional load as me,” say ni Nadine.

Pero sa latest vlog niya na may dance number siya para sa campaign ng isang smartphone brand ay inulan din si Nadine ng mga bash pero higit namang marami ang pumuri sa kanya. Umabot ng halos 4.7M ang views na nakuha nito sa kanyang TikTok dance video.

Habang patuloy na tumataas ang views ng naturang dance video ay dumarami rin ang mga bashers. Paano kaya ito nakakayanan ni Nadine?

“Because it takes a lot more time and effort to be unkind and I have so much  to do.

“I still bite sometimes. Still a bitch. I just don’t have time,” say pa rin ni Nadine.



***

MATAPOS na ma-bash dahil sa pagdadamit ng baligtad na pang-itaas ay napuri naman ang aktres na si Kris Bernal sa ginawa niya sa isang pusang gala na may sakit sa balat at halos wala nang balahibo.

Bibihira lang ang nakakaalam na si Kris ay isang animal lover. Pitong aso lang naman at 3 pusa ang alaga ni Kris sa kanyang tahanan. At karamihan sa mga ito ay nadampot lang ni Kris sa kalye na sakitin at mga payat.

At ang pinakabagong ampon na hayop ni Kris ay isang pusa na namataan niya sa kalye. Dahil sa awa, inuwi niya sa tahanan niya ang naturang payat na pusa. Tinawag niya itong si Pogi. Naisip daw ni Kris na ito ang pangalan dahil lagi raw ito magpapaalala sa kanya na gagawin niyang isang pogi o cute na pusa ang bagong ampon. Post nga ni Kris sa kanyang social media account:

“Meet Pogi. He’s my latest rescue. Tiyaga-Tiyaga lang talaga. Named him Pogi caused i promise myself that i would make him ‘pogi’. My pets maybe Aspins but they mean so much to me! I hope animal cruelty will stop and that even the Aspins will experience the love they deserve. These pets have brought happiness unto me. I’ve made so many bad decisions in life but one I never regret was to adopt dogs and cats.”