Advertisers

Advertisers

Ellen todo-deny na sugar mommy ni Derek; Arci diniin, hanggang BFF lang si JM

0 292

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

HINDI nagustuhan ni Ellen Adarna ang balitang ginagawa siyang sugar mommy ni Derek Ramsay. Ipinost  sa Instagram story ni Ellen ang screennshot  ng news item na ginawa  raw siyang  tagapagbayad  ng utang ni Derek.

Umalma at kaagad na nagbigay ng reaction ang sexy goddess sa showbiz.



“Alam naman ng lahat  na di ako pangit  para maging  sugar  mommy  lol.  If  ganyan…I just left  gwapa ko ang peg lol  bye felicia,” aniya.

Sa IG Story din ni Ellen ay agad din nilinaw ni Derek na wala siyang pinagkakautangan.

“Wala po akong utang, I  don`t  make utang,” say ng actor.

Sa tanong naman ng netizen, “what  if  Derek  cheats  on you  will you  forgive and still  accept  him?”

Kaagad na sagot ni Ellen, “no, no, no!”



Singit naman ni Derek, “no, I  will  not  cheat  on you.” (di raw ba ganito rin ang sinabi ng actor sa mga naging ex niya). Sinita pa niya ang nagtanong na netizen, “why  talk  about  negativity?”

Sa IG Story ni Ellen nakalagay din ang ginawang pagbili ni Derek ng  rechargeable  ride  on  car  para  sa anak nina Ellen at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Grabe, bakit nga naman papayag na maging sugar mommy ni Ellen. Sa ganda at kaseksihan ng actress na hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghahangad makuha ang kanyang alindog papayag maging isang sugar mommy.

Sabi  tuloy ng mga barakong naghahangad o nag-iilusyon sa kagandahan at kaseksihan ni Ellen ay perfect  daw ba ang actor para kabaliwan ng mga babae.

Well,mga kabarkada, abangan na lang kung hanggang kailan tatagal ang relasyong Ellen at Derek.

***

ILANG beses  nang sinasabi ni Arci Munoz  na BFF lang talaga sila ni JM de Guzman.

Tinanong kasi si Arci kung ano raw ba talaga ang story doon sa lumabas  sa kanyang vlog na parang nagpapaalam si JM na liligawan siya. Pero sa bandang huli ay napag-alaman na yung brother pala niya ang nag-propose sa  girlfriend nito.

“It`s  about  the  editing lang. I  was not  really  going to put  it  in the vlog pero nagkatuwaan lang. We are still best friends. Best friends  forever,” paliwanag ni Arci.

Malapit na raw silang magkaibigan since college pa. Pero matatandaan na sinabi noon ni JM na may crush siya sa actress.

So, there mga kabarkada, Huwag nang ipilit na may namumuong relasyon  sa dalawa dahil  best  friends lang daw talaga ang puwedeng mangyari sa kanilang  magandang samahan.

***

TAWANAN at  batuhan ng mga kakenkoyan sa Bubble Gang

Friday na naman kaya tutok sa  longest running gag show sa telebisyon, ang Bubble Gang na binubuo ng mga sikat na komedyante at mga sexy actress sa pangunguna nina Michael V, Paolo Contis, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Kim Domingo atbp.

Every Friday 10:20 ng gabi sa GMA 7 ay kakaibang pagpapatawa ang ginagawa ng BG barkada para hindi pagsawaan ang mga inihahanda nilang  gag.

Sabi ng iba ay medyo bastos daw ang mga joke na Bublble Gang barkada. Pagtatanggol at pagtutuwid naman ng BG cast ay hindi bastos dahil bawal ang mga bastos na pagpapatawa sa telebisyon. May pagkapilyo raw minsan ang mga joke pero walang bastusan na pagpapatawa.

Hangad  ng Bubble Gang makapagbigay ng kasiyahan sa televiewers. Kaya naman hanggang ngayon ay nananatili pa rin silang nangunguna sa rating at laging sinusubaybayan sa telebisyon.