Advertisers

Advertisers

Aiko, Gelli at Carmina nagpakatotoo, naihi na sa swimming pool; Willie nagpabakuna na laban sa Covid

0 269

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BUONG ningning na ipinangalandakan ni Willie Revillame na protektado na siya at ‘di na tatamaan ng killer virus.

Dumaan naman sa proseso si Willie bago pa man ito bakunahan ng Sinovac.



Itinurok na nga sa TV Host ang first shot ng vaccine kontra Covid.

Ang motibo nito kaya ito ipinangalandakan sa kanyang socmed ay para iparating sa lahat na walang panganib na dulot ang bakuna.

Wala naman daw naramdamang kakaiba si Willie sa kanyang katawan matapos mabakunahan.

Naka-iskedyul na rin ang kanyang staff para mabakunahan.

Priority nga lang si Willie dahil sa pagiging senior na nito.



At least nga raw ay may proteksyon na ang TV Host laban sa virus.

Ibinida rin nito na ang second shot ng vaccine na ibibigay sa kanya ay sa May 11, 2021.

***

SA Vlog ni Aiko Melendrez para sa kanyang YTC eh kasama nito ang mga kaibigan na sina Gelli De Belen at Carmina Villarroel.

Dahil nga pandemya halos lahat ay nagba-Vlog at kungdi pa nga raw nagkaroon ng Covid-19 sa bansa.

Eh nungka nga raw na pati sina Gelli at Carmina ay magba-Blog na rin.

Guilty or not guilty naman ang topic sa Vlog ni Aiko kung napaihi na ba ang dalawa nitong kaibigan sa swimming pool kasi siya raw ay guilty.

Sumagot naman si Gelli na nung bata raw siya ay oo at napawiwi na ito sa pool na naramdaman na lang nitong mainit.

Sinegundahan naman ni Carmina na pati siya ay napaihi na rin sa swimming pool.

At least nga raw nagpakatotoo ang magkakaibigan at hindi naging ipokrita sa ginawa nilang Vlog.

Natuwa naman si Aiko sa mga kaibigan at di nag-inarte at nagpaka-true sila.

Well, well, well…’Yun na!