Advertisers

Advertisers

Mas maraming US vessels ide-deploy sa West Phl Sea

0 222

Advertisers

KINUMPIRMA ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na magdedeploy sila ng mas maraming barkong pandigma ng Amerika sa West Philippine Sea o South China Sea.
Ang pahayag na ito ni Romualdez sa isang panayam ay kasunod ng pagpasok ng US Navy’s Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) ang rehiyon noong April 4 para sa routine operations.
Nilinaw ni Romualdez, ang mga naturang US vessel ay idineploy sa disputed areas para i-uphold ang freedom of navigation.
Dagdag pa ni Romualdez, tuloy-tuloy ang freedom of navigation operations ng Amerika dahil layon nito na protektahan ang seaway sa rehiyon.
Ibig sabihin, anumang klase ng barko ay makakadaan sa lugar na hindi hina-harass.
Ayon sa US Navy, ito na ang ikalawang pagkakataon na pumasok sa South China Sea ang TRCSG matapos na i-deploy ito sa 7th Fleet area of operations.
Habang nasa South China Sea, ang US Navy Theodore Roosevelt Carrier Strike Group, Makin Island Amphibious Ready Group at ang Ticonderoga-class guided-missile cruiser USS Port Royal (CG 73) ay magsasagawa ng fixed and rotary-wing flight operations, maritime strike exercises, anti-submarine operations, at coordinated tactical training.
Ang Wasp-class amphibious assault ship USS Makin Island (LHD 8), at ang Ticonderoga-class guided-missile cruiser USS Bunker Hill (CG 52), ay bahagi ng Theodore Roosevelt Carrier Strike Group, na pumasok sa South China Sea noong April 9, 2021.
Sa panig naman ng Department of National Defense (DND), kanilang kinikilala ang freedom of navigation ng ibang bansa.
Dumating sa South China Sea ang US ships sa gitna ng presensiya ng nasa mahigit 200 Chinese vessels na nakakalat sa Exclusive Economic Zone (EEZ). (Josephine Patricio)