Advertisers

Advertisers

DOH nakapagtala ng 380 bagong kaso ng iba’t-ibang variants

0 439

Advertisers

MAY natukoy pa ang Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) na mga variants nq nasequence mula sa mga samples ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa DOH, karagdagang isang (1) P.1 variant case, 170 B.1.1.7 variant cases, 192 B.1.351 variant cases, at 19 P.3 variant cases ang natukoy mula sa dalawang batch ng 25 samples na nasequence mula Marso 28 at 1,336 samples na nasequence naman sa pagitan ng Marso 28 hanggang April 8.
Sa karagdagang 170 B.1.1.7 variant cases, walong kaso ang Returning Overseas Filipinos (ROF), 119 ang local cases, at 43 cases ang kasalukuyang biniberipika kung local o ROF.
Base sa case line list, 2 kaso ang namatay at 168 kaso ang recovered.
Mula sa karagdagang 192 B.1.351 variant cases, 1 kaso ang Returning Overseas Filipino (ROF), 143 ang local cases, at 48 cases ang binibieripika pa kung local o ROF .
Base rin sa case line list, 2 kaso ang aktibo pa, 3 ang namatay at 187 ang recovered.
Ang isang active P.1 variant case ay Returning Overseas Filipino from Brazil na may kasaluyang address na SOCCSKSARGEN.
Sa 19 karagdagang P.3 variant cases, 2 ang ROFs, 10 ay local cases, ay 7 kaso ang inaalam pa kunh local o ROF kung saan lahat ng kaso ay recovered.
Sa pagdaragdag ng bilang ng mga iba’t ibang kaso na nakita, inulit ng DOH na kasabay ng mga diskarte ng PDITR na ipinatutupad ng gobyerno at ang pagpapataw ng Enhanced Community Quarantine upang mabawasan ang contact rate at limitahan ang pagkalat ng mga variant, mahigpit na pagsunod sa minimum na publiko, pamantayan sa kalusugan at nadagdagan na suporta para sa National Vaccination Program ay makabuluhang magpapagaan ng paghahatid ng COVID-19. (Jocelyn Domenden)