Advertisers

Advertisers

2 namemeke ng swab test result sa Maynila timbog

0 376

Advertisers

NADAKIP ng pulisya ang dalawang lalaki na nagbebenta ng mga pekeng Rt-PCR test sa entrapment operation sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ricardo Coderes-Alba alyas “Richard”, 49 anyos; at Vicente Nolasco-Panesa alyas “Enteng”, 59.
Sa report, dating nakulong si Nolasco sa Bulacan Provincial Jail dahil sa droga, at miyembro ito ng notoryos na Sigue-Sigue Sputnik Gang.
Ayon sa ulat, 5:40 ng hapon nang magsagawa ng entrapmet operation ang mga elemento ng CIDG sa CM Recto Avenue, Sta Cruz. Nasamsan sa mga suspek ang fake covid 19 RTPCR test certifications. (Mark Obleada)