Advertisers

Advertisers

Pera sa 4Ps pinag-awayan: Misis, sinaksak ng 22 beses ng mister

0 254

Advertisers

PATAY ang isang ginang nang pagsasaksakin ng kanyang kinakasama sa Butuan City.
Kinilala ang biktima na si Jeje Bravo, 45 anyos, nagtamo ng 22 saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan nang pagsasaksakin ng kanyang ka-live-in na nakilalang si Jessie Laguna, 38, kapwa nakatira sa Sitio Patindog, Barangay Buenasuerte, San Francisco, Agusan del Sur.
Sa report, sugatan na tumakbo papalayo ang biktima ngunit naabutan ito at inundayan ng sunud-sunod na saksak, dahilan ng na kaagad nitong kamatayan.
Ayon sa kanilang mga kabitbahay, selos at away sa perang natanggap mula sa 4Ps ang pinag-aawayan nina Bravo at Laguna.