Advertisers

Advertisers

VisMin Super Cup ilulunsad sa Cebu City

0 287

Advertisers

ARANGKADA na ang Pilipinas VisMin Super Cup matapos ang bagong professional league ay makakuha ng pahintulot mula sa Cebu City Disaster Risk Reduction Management para sa kanilang inaugural tournament sa Abril 9.
Sinabi ni Pilipinas VisMin Super Cup Chief Operating officer (COO) Rocky Chan Miyerkules, Marso 24, na lahat ng kailangan ahensya at departments sa rehiyon ay binigay ang kanilang pahintulot na simulan ang bubble tournament.
“They’re allowing us to start on April 9, so it’s a very good development. All the teams are excited. We still need the approval from the Office of the Governor,” Wika ni Chan.
“We were actually told that if we get the approval from the different agencies and departments, the Office of the Governor will also allow us, all they need is for us to get these approvals.”
Sinabi ni Chan na maganda ang kanilang talakayan sa mga opisya ng regional office ng Department of Health,Department of Tourism, Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, at ng Bureau of Fire Protection.
Ang bagong liga, na suportado ng Puma ay may 12 teams.
Ang seven teams sa Visayas division kabilang ang MJAS Zenith Talisay,KCS Computer Solutions Cebu City,ARQ Builders Lapu-Lapu City,Tubigon-Bohol,Siquijor Mystics,Dumaguete Warriors,at Tabogon Voyagers.
Habang ang Mindanao division, ay kinabibilangan ng Zamboanga City,Zamboanga del Norte,Pagadian City,Sindangan City, at Cagayan de Oro City. sinabi ni Chan na meron pang dalawang team ang interesadong sumali sa liga.
Ang tournament ay magsisimula sa Visayas League,habang ang Mindanao ay magsisimula sa Mayo sa Dipolog City.