Advertisers
VIRAL ngayon ang larawan ng isang batang lalaki na sinasabing positibo sa Covid-19 at sinundo ng ambulansiya.
Marami ang nadurog ang puso sa larawan ng bata.
Dala ang kanyang bag at isang maliit na paper bag, sumama ito sa frontliners mula sa ambulansiya na siyang magdadala sa kanya sa ospital.
Ayon sa post ng fan ng Blackpink, unang tinamaan ng virus ang ina ng bata kaya nang magpositibo rin ang bata ay isinama na siya sa kuwarto ng ina.
Marami ang nagdarasal sa paggaling ng mag-ina lalo na at hindi biro ang Covid-19 na kasalukuyan paring lumalala ang pagkalat sa Pilipinas
“Get well soon sa inyo ng mama mo! Bukod sa mga gamot, samahan ng dasal para mas mapabilis ang pagpapagaling,” ayon sa ilang netizens.