Advertisers
BUMULAGTA sa harap ng kanyang misis ang isang mister nang pagbabarilin ng tatlong lalaki Miyerkules ng gabi sa bayan ng Dumarao, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Jessie Jarloc, 55, residente ng Sitio Agkawayan, Barangay Astorga, Dumarao.
Sa report ng Dumarao Police Station, pauwi na ang biktima galing sa inuman nang sunduin ng kanyang misis nang salubungin ang mga ito ng tatlong lalaki na nakasuot ng bonnet at pinagbabaril si Jarloc.
Nagawa pang makatakbo ng biktima pero hinabol parin siya ng mga salarin at nang maabutan ay tinadtad ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.
Hindi naman ginalaw ng mga salarin ang misis ng biktima na dinala sa pa ospital ngunit ‘di na umabot ng buhay.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya.