Advertisers
NADAKIP ng mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP AKG) ang magtiyuhin na wanted na kasong ‘Rape’ sa Sto. Tomas, Batangas.
Kinilala ang mga naaresto na sina John James Radaza at Pio Radaza.
Ayon kay BGen. Jonnel Estomo, direktor ng PNP AKG, 10:30 ng umaga nang madakip ng mga elemento ng AKG ag magtiyuhin sa Barangay San Joaquin, Sto Tomas sa bisa ng ‘warrant of arrest’ sa kasong Rape na ipinalabas ni Judge Bernardo R. Jiminez Jr. ng RTC Branch 51, 5th Judicial Region, Sorsogon City, noong Nov. 24, 2017.
Sa report, ang magtiyuhing Radaza ang gumahasa ng ilang ulit sa 7-anyos na babae noong 2017. Sina Pio at John James ay step brother at step uncle, ayon sa pagkakasunod, ng biktima.
Napag-alaman na ginagawa ang panghahalay tuwing naiiwan mag-isa ang biktima sa bahay ng mother-in law ni Jonh James sa Brgy. San Rafael, Pilar, Sorsogon.
Nagtago ang magtiyuhin at nagbago ng mga pangalang sa bayan ng Sto Tomas nang maghain ng reklamo ang magulang ng biktima sa korte.
Nasa kustodiya ngayon ng PNP AKG ang mga suspek at nakatakdang iharap sa korte na nagpalabas ng warrant.
(Mark Obleada)