Advertisers

Advertisers

COVID beds sa 6 ospital sa Maynila okupado na

0 219

Advertisers

OKUPADO na ang bilang ng Covid beds ng anim na pampublikong ospital sa Maynila.
Sa inilabas na datos ng Manila Health Department (MHD), 72% nang okupado ang mga kama na inilaan para sa mga pasyente ng SARS-CoV 2.
Dalawa sa anim na ospital ang nagdagdag narin ng kama dahil sa pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19.
Ayon sa MHD, sa Sampaloc Hospital, 104% ang kapasidad kungsaan 26 ang naka-admit kumpara sa bed capacity na 25 lamang.
Sa Gat Andres Bonifacio Hospital, nagdagdag din ng dalawang kama upang tugunan ang kabuuang 47 pasyente.
Malapit na ring mapuno ang Sta. Ana Hospital na may 90 beds at malapit naring mapuno kungsaan umakyat sa 83 ang pasyenteng naka-admit.
Sa Ospital ng Maynila na may 90 covid beds ang okupado ng 55 pasyente.
Ang Justice Jose Abad Santos Memorial Medical Center lamang ang tanging may mababang bilang ng mga kaso kung saan mayroon lamang itong 8 okupadong kama mula sa 45 beds.
Apat na pasyente naman mulasa 15 covid beds ang naokupahan ng pasyente sa Ospital ng Tondo. (Jocelyn Domenden)