Advertisers

Advertisers

Brgy. chairmen sa Maynila pwede nang magpatupad ng lockdown

0 244

Advertisers

NILAGDAAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang kautusan na nagbibigay kapangyarihan sa mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupan sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19.
Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong Barangay kung ang aktibong kaso ng Covid-19 ay umabot na sa 10 at higit pa.
Magsasagawa ng beripikasyon ang mga tauhan ng Manila Health Department (MHD) sa pagkakaroon ng mga aktibong kaso ng Covid-19 bago pa magsimula ang lockdown ng barangay.
Ayon sa Alkalde, lahat ng residente sa mga barangay na isasailalim sa lockdown ay mahigpit na pinagbabawalang lumabas ng kanilang bahay.
Gayunman, maaari lamang makalabas sa kanilang tahanan ang health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, at funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, at critical transport facilities including port operation), essential workers (goods delivery, food delivery, banking at money services), barangay officials, at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force.
Matatandaan na nasa 29 barangays sa lungsod, isang kalsada, at isang cluster lockdown ang isinailalim sa apat na araw na lockdown ngayong linggo.
Sa pinakahuling datos ng MHD nitong Miyerkules, nasa 3,667 ang aktibong kaso ng covid ang kanilang naitala; may kabuuang bilang na 31,383 ang nakarekober; at may kabuuang 866 ang nasawi. (Jocelyn Domenden)