Advertisers
PATAY ang tatlo katao nang pagbabarilin sa magkakahiwalay na insidente sa mga bayan ng Lumban, Binan at Calamba sa lalawigan ng Laguna.
Kinilala ang mga biktima na sina Angelo Manambit ng Lumban; Ramon Carillo Jr. alyas Chito ng Binan City; at Arnulfo San Jose ng Calamba City.
Ayon sa Lumban Police, pauwi na si Manambit lulan ng tricycle at tinatahak ang Barangay Maytalang Uno, Lumban nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin na mabilis na tumakas sa direksyon ng bayan ng Kalayaan.
Pinagbabaril din si Carillo sa isang kainan sa Barangay Poblacion sa Binan. Naisugod pa siya sa Ospitral ng Binan subali’t idineklarang dead on arrival.
Kaagad namang binawian ng buhay si San Jose nang pagbabarilin habang nasa loob ng bahay at kumakain.
Biglang pumasok ang salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril si SanJose at mabilis na tumakas.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa mga nasabing krimen.