Advertisers

Advertisers

2 pulis sinaksak at tinaga ng inarestong wanted

0 331

Advertisers

SUGATAN ang dalawang pulis ng Carles Municipal Police Station nang saksakin at tagain ng wanted person na kanilang sinilbihan ng ‘warrant of arrest’ sa lalawigan ng Iloilo.
Kinilala ang mga pulis na sina Staff Sergeant Michael Ilanga at Corporal Godfrey Punsalan.
Sa report, nagtungo ang mga pulis sa bahay ng suspek para isilbi ang warrant of arrest sa kasong ‘Oral Defamation’ at ‘Threats’ na si Rogelio Pancho sa Barangay Cabilao Grande, Carles, Iloilo.
Pagdating ng mga ito sa bahay ng subject, bigla umanong sinaksak ni Pancho si Ilanga na tinamaan sa dalawang binti.
Tumakbo at nagtago si Pancho sa kanyang bahay at nang makumbinse na sumuko, bigla naman nitong tinaga si Punsalan na tinamaan sa kamayat naputol ang isang daliri nito.
Kaagad namang nakontrol ng otoridad si Pancho.
Nakakulong na si Pancho sa Carles Municipal Police Station at nahaharap sa dagdag na kasong ‘resisting arrest at direct assault upon agents of person in authority’.
Sa imbestigasyon, lumalabas na dumadanas ang suspek ng emotional stress kasunod ng pagkamatay ng kaniyang asawa.