Advertisers

Advertisers

‘10K Ayuda Bill’ tinalakay na ng Kongreso

0 409

Advertisers

SA wakas… tinalakay narin ng House Committee on Social Services ang ‘10K Ayuda Bill’ ni dating Speaker Alan Peter Cayetano matapos igiit ng maraming sektor.

Sa media statement nitong Huwebes ng umaga, March 25, sinabi ng tserman ng komite na si Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas na ang bill ay kanilang ire-refer sa Committee on Economic Affairs at ito’y babasahin sa plenary nitong araw mismo.

Ipinaliwanag ni Vargas na nang i-refer ang panukala sa kanyang komite, natapos na ng plenaryo ang pagtalakay sa pagpalawig ng Bayanihan 2 habang ang Bayanihan 3 ay pinag-uusapan narin sa economic affairs committee.



“I suggested the consolidation of this bill with similar measures and its referral to economic affairs. This is more practical since all these bills have similar legislative intent. By doing so, we can facilitate congressional action on these bills. Isang talakayan nalang, sa halip na isa-isa,” sabi ni Vargas.

Biglang kumilos si Vargas nang igiit ng grupo ni Cayetano at ng iba pang opisyal, kabilang si Senador Bong Go, na isulong na ang panukala.

Inihain ni Cayetano, Taguig Rep. Lani Cayetano, at iba pang kaalyado sa House of Representatives noongFebruary 1, 2021, ang ‘10K Ayuda Bill’ ay humihiling na pagkalooban ang bawat pamilyang Filipino ng P10,000 o P1,500 sa bawat miyembro ng pamilya para kanilang magagamit sa pang-araw-araw nilang pangangailangan o kaya’y makapagsimula ng kanilang sariling negosyo habang ang bansa ay naghihintay ng buong roll-out ng COVID-19 vaccination program.

Ang bill na ito ay ni-refer sa Committee on Social Services na pinamumunuan ni Vargas pero tinulugan lang ng halos dalawang buwan. (PFT Team)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">