Advertisers

Advertisers

Sharon pinagtanggol ang sarili nang sabihang walang panama ang byuti kina Anne at Liza

0 342

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

IPINAGDIWANG ni Claudine Barretto ang birthday ni Rico Yan last March 14, na kasama pa niya ang sister ng yumaong actor na si Tina Marie Yan.

Sabi ni Claudine, gusto lang nilang maalala si Rico sa kaarawan nito kaya nagkaroon  ng salu-salo sa kanyang bahay.



Ipinakita pa nina Claudine at Tina ang pagkain na inihanda kasama na ang padala ng fans nina Rico at Claudine.

Puring-puri ng fans si Claudine dahil hindi nito nakalilimutan ipagdiwang ang kaarawan ng yumaong actor at death anniversary nito.

***

SINGOT ni Sharon Cuneta ang isang basher na nag-comment  nang hindi  maganda sa kanya  at  ikumpara pa ang ganda niya kina Anne Curtis, Liza Soberano at Bea Alonzo.

Comment kasi ng basher, “Good thing noon ka nag-artista. Kung ngayon ka sumabay kina Bea, Liza at Anne, baka di ka napansin. Kung kamukha mo sana mommy mo pede ka sumabay kaso daddy mo kamukha mo e.”



Hindi pinalampas ng Megastar ang comment ng basher para ipagtanggol ang sarili. Marami ang naaliw sa sagot ni Sharon at tinawag pa niyang engot ang basher.

“E  di  ka nag-iisip; Sa dami na ng dumaan bago pa dumating sina Bea at lahat sila eh maganda na ako!

“Marunong kumanta, sumayaw, umarte. Nagpayaman ng producers dahil lahat ng ginawa ko sobra ang kinita. At  nandito pa rin ako!

“Alam mo ang ganda, sampusampera. Ang hindi maipaliwanag ng at sa tao,  ay  yung tinatawag na X-factor. Puede ba ako sumikat ng di milyon ang sumuporta  at  nagmahal  sakin? Engot,” buwelta ni Sharon.

Ipinagtanggol  din ang Megastar ng mga Sharonian at nagsabi na bukod sa maganda, mabait  at  mahusay  na  actress ang kanilang idolo.