Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KAHIT punumpuno ng kagalakan sa kanyang puso nang malaman ni Sanya Lopez na siya ang napiling pumalit kay Marian Rivera Dantes para maging leading lady ni Gabby Concepcion sa teleseryeng “First Yaya,” kabado pala ang young actress kung paano niya aatakihin ang role bilang isang yaya.
Say ni Sanya, bago kasi para sa kanya ang lumabas sa isang romantic comedy na project. Halos sunod-sunod daw ang kanyang show na heavy drama at bigla sasabak siya sa komedya.
Bitin din ang karanasan ni Sanya sa pagpapatawa kahit pa sabihin na madalas din siyang nakakasama sa “Bubble Gang”. Ano kaya ang motivation na ginawa ni Sanya para maging komedyana?
“Our director, L.A. Madridejos told us to just give our best to the show. Don’t be pressured daw, just enjoy what we’re doing. Pag tumaas ang rating, bonus na yun. But I really enjoyed ‘First Yaya’ kasi bago sa kin ang role dahil romcom ito and puro dramas ang ginawa ko before,” kwento ni Sanya.
Paano naman niya nabigyang justice ang pagiging yaya, hindi kaya lumabas na awkward ang kanyang karakter na yaya sa serye?
“Sa bahay, ako ang nag-aalaga sa lola ko at sa mga pamangkin ko, so parang yaya rin ako roon. Doon ako humugot para sa role ko as Melody in ‘First Yaya’,” say pa ni Sanya.
***
ANDRE PARAS PBA PLAYER NA KAYA BYE SHOWBIZ NA?
LUMAKI si Andre Paras at ang kanyang kapatid na si Kobe Paras na nakahiligan na ang larong basketball.
Naging inspirasyon ng magkapatid ang kanilang amang basketbolista rin bago pa pumasok sa showbiz, si Benjie Paras. Nang magbinata sina Kobe at Andre ay nag-iba ng tinahak na landas ang dalawa, si Andre sa showbiz samantalang si Kobe ay nagpatuloy sa kanyang hilig na basketball.
Sa paglipas ng panahon ay hindi talaga matalikuran ni Andre ang ambisyong maging isang professional basketball player. Kaya pag walang taping o showbiz commitment ay paglalaro at pagpapraktis ng basketball ang ginagawa ni Andre, to the point na pati pakikipag-girlfriend ay nawala sa focus niya.
Nagbunga naman ang pangarap niya na maging professional basketball player dahil pasok si Andre bilang isang rookie sa basketball team na Blackwater.
“The reason why I decided to apply for PBA draft is because I’m chasing my dreams. I’ve always wanted to play basketball,” say ni Andre.
Sa pagpasok ba niya sa team ay nangangahulugan na iiwan na ba ni Andre ang kanyang showbiz career at sa basketball na lang magpo-focus?
“Showbiz or hosting makes me happy, basketball makes me happy. And at this point sabay pa rin sila, so I have no reason to choose [one], kasi sabay naman po sila – both make me happy, but there might come a time, when I have to choose and I don’t know the answer to that yet,” saad ni Andre.