Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING emosyonal ang TV host-actress at Youtuber na si Alex Gonzaga dahil sa akusasyon ng mga faney na lumalaki na ang ulo nito at napababayaan na sila.
May mga nag-aakusa ring hindi na ma-reach ang nasabing social influencer lalo pa’t isa na ito sa top Youtubers sa kasalukuyan at kumikita na ng milyones.
Tampo naman ng ilang faney, tila nabago na raw ang prayoridad ni Alex mula nang ikasal ito sa kanyang hubby na si Mikee Morada.
Sa kanyang IG, pinabulaanan ito ni Alex at sinabing never na nakalimutan niya ang kanyang fans.
Katunayan, utang na loob daw niya sa mga ito kung anuman ang tinatamasa niyang kasikatan at tagumpay sa ngayon.
Sey pa niya, kadalasan daw ay hindi siya naaapektuhan ng pamba-bash pero ang mga akusang galing sa kanyang mga faney ay labis na nakasasakit sa kanyang puso.
Hirit pa niya, mahal na mahal daw niya ang kanyang followers.
“Howdy my dear. People may call me anything they want but I will never ever be ungrateful. I love you all and I appreciate you. Knowing some of you feel neglected makes me sad. “Kilala ko kayo by your usernames especially when I see your tags and efforts. You are all part of my journey. Blessing kayo lahat sa akin… Mahal ko kayo at ng buong pamilya namin…
“I don’t get affected by bashing but this one with my supporters made me cry because I really appreciate all of you. Let’s have peace, please,” sey ni Alex.
Kamakailan lang, naging viral ang vlog ni Alex nang ipagluto niya ng paboritong chicken recipe ang kanyang mister.
Bago ang pagluluto, humingi pa siya ng tips sa kanyang Mommy Pinty na kinaaliwan naman ng netizens.
Si Alex ay may humigit-kumulang na 10 million subscribers sa Youtube making her one of the top money makers sa nabanggit na streaming site.