Advertisers

Advertisers

MINORS BAWAL NA LUMABAS! – MMDA

0 288

Advertisers

NAGDESISYON ang 17 alkalde ng Metro Manila na hindi muna pahihintulutang makalabas ang mga menor de edad sa National Capital Region simula ngayong araw, Marso 17.
Sa isang pahayag, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tanging mga nasa edad 18 hanggang 65 lamang ang papayagang makalabas sa kanilang mga tahanan.
Tatagal aniya ng dalawang linggo ang naturang kautusan.
Kasalukuyan nang bumabalangkas ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) kaugnay sa paghihigpit sa age restriction.
“We are implementing age restrictions because of the increase in our Covid-19 cases,” saad ni MMDA chairman Benhur Abalos Jr.
“We encourage everyone to strictly observe and practice the minimum health protocols, and be extra careful and follow stringent measures particularly when around vulnerable family members, as there have been reports of transmission among family members,” dagdag nito.
Nitong Lunes ng gabi nang mag-umpisa ang unified curfew sa buong NCR mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.(Josephine Patricio)