Advertisers

Advertisers

Kylie suot na ulit ang wedding ring, nakasundo na ang mister na si Aljur

0 312

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MARAMING natuwa sa ipinost ni Kylie Padilla na suot na ang wedding ring nila ni Aljur Abrenica.

Naniniwala ang netizens na okey na at nagkabati na ang dalawa matapos ang ilang araw na hindi pagkakasundo dahil sa iba`t ibang  isyung kinasangkutan daw ni Aljur.



Wish ngayon ng netizens at supporters ng dalawa na sana raw sa susunod na post na larawan ni Kylie ay magkasama na sila ni Aljur kasama ang dalawa nilang anak.

Naka-post naman sa Instagram ni Aljur ang larawan ni Kylie na may caption na, “Many faces of the Queen #internationalwomensday.”

At siguradong ikinatuwa ng fans ng dalawa ang mga nabasang positive comments.

Wish naman ng mga nagmamahal at kapwa artista na sana ay hindi na mangyari ang mga pinagdaanan nina Kylie at Aljur. Magmahalan at maging mabuting magulang anya sila sa kanilang mga anak.

***



GENEVA CRUZ RUMESBAK SA BASHER NANG SABIHANG MAITIM ANG SINGIT

HINDI pinalampas ni Geneva Cruz ang basher na nagsabi maitim ang kanyang singit.

Naka-two piece swimsuit si Geneva na nakatayo. Yun daw maitim na sinasabi ng basher ay shadow lang daw.

Matatandaang may nagsabi rin na matanda na siya para magsuot pa ng mga revealing outfit.

Sagot ni Geneva, kung kasalanan daw ba niya kung hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang kanyang seksing katawan.

May nagduda na baka raw yung basher ni Geneva ay inggit sa sexy na katawan ng singer/actress. Mahirap at hindi raw siguro makapagsuot ng sexy outfit ang isang may malusog na katawan at sobrang taba.

Kadalasan daw kasi ng mga basher ay yung mga walang magawa sa sarili dahil bukod sa sobrang taba ay mukha pa raw bakekang. Kaya ayun, galit sa magaganda at may magandang katawan.

Kahit ano pa raw ang ipuna o ipintas kay Geneva ay wala siyang pakialam. Importante ay masaya siya at kuntento sa buhay.

Mahirap daw talaga ang maraming insecurities sa buhay. Lalo`t walang magkasyang damit na isusuot.

***

Bubble Gang barkada hahataw ngayong Friday

Bukod kay Michael V na nangunguna sa pagbibigay kasiyahan every Friday sa gag show na Bubble Gang, nandiyan pa rin sina Paolo Contis at BG barkada na laging nakasuporta sa pagbihigay ng mga bagong kuwelang jokes.

Ayon kay Paolo, sa Bubble Gang niya naibubuhos ang mga pagod sa mga taping na ginagawa. Nawawala lahat ang mga pinaghirapan niya kapag nasa taping at kasama ang BG barkada.

“Isang pamilya na ang turingan namin sa BG, kapag may problema ang isa ay nagtutulungan kami,” say ni Paolo.

Maganda pa raw sa gag show nila ay walang bida, basta lahat sila ay magkakapantay ang role. Kung sino ang may bagong idea ay isini-share para maging mas lalong katawa-tawa ang bawat segment ng gag.

Hindi rin itinanggi ni Paolo at mga kasama sa longest-running gag show na malaki ang naitulong sa kanilang buhay ng gag show na napapanood every Friday at 10:20 pm sa GMA 7.