AMANDA AT RALPH, BIGONG MAKAAGAW NG SLOT SA BIG NIGHT SA LINGGO ANDREA, JIE-ANN, LIOFER, AT KOBIE, NANANATILING BIG 4 NG “PBB CONNECT”
Advertisers
Ni BKC
MATAGUMPAY na naipagtanggol nina Andrea Abaya, Jie-Ann Armero, Liofer Pinatacan, at Kobie Brown ang kanilang mga pwesto sa Big 4, kaya naman sila na ang opisyal na tutuloy sa “PBB Connect” Big Night sa Linggo (Marso 14), 9 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.
Naging matindi man ang naging paghamon sa kanila nina Amanda Zamora at Ralph Malibunas bilang challengers, nanaig ang tiwala sa sarili at katatagan ng Big 4 upang ipaglaban ang kanilang mga pangarap.
Unang sumabak sa challenger task sina Andrea at Kobie na napiling kalabanin ni Ralph. Sumunod naman nagbakbakan sa pangalawang challenger task sina Amanda, Jie-Ann, at Liofer. Pinili mismo ng Kumunity ang naging challenger tasks, na kombinasyon ng mga nagdaang tasks ni Kuya sa season na ito.
Hindi biro ang pinagdaanan ng Big 4 upang umabot sa Big Night, na inaasam-asam ng 177, 524 na nag-audition sa Kumu noong Nobyembre upang maging opisyal na housemate ng “PBB Connect.”
Sino kaya kina Andrea, Jie-Ann, Liofer, at Kobie ang tatanghaling Big Winner ng “PBB Connect?” Abangan sa “PBB Connect” Big Night sa Marso 14 (Linggo), 9 pm na mapapanood sa Kapamilya Channel sa cable at digital TV, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, A2Z Channel 11, TV5, iWantTFC, at TFC.
Available na rin ang tickets para sa virtual audience via KTX.ph sa presyong P199 na mapupunta sa charity. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.
***
Yasser Marta, Alex Diaz patutunayang ‘love has no gender’ sa ‘My Fantastic Pag-ibig’
Patutunayan nina Yasser Marta at Alex Diaz na ‘love has no gender’ sa latest episode ng My Fantastic Pag-ibig na “Fairy Tail Romance,” na mapapanuod ngayong Sabado (March 13) sa GTV.
Bibigyang-buhay ni Yasser ang character ni Nep habang si Alex naman ang gaganap kay Lantis na isang sireno.
Sa kuwento, nagbabakasyon sa kanilang resort si Nep kasama ang ever-loving yaya na si Bebot (Cecil Paz). Broken-hearted kasi siya dahil sa break up sa girlfriend. Pati ang mga nangyari sa kanyang pamilya dati, sinisi rin ni Nep sa sarili.
Dahil sa kanyang kakaibang anyo, hanggang ligaw-tingin na lang si Lantis kay Nep. Hindi man lubos na naiintindihan ng kanyang bff na si Kabibabev (Jo Berry), kung bakit sa dinami-daming pwedeng magustuhan ni Lantis, sa taong-lupa pa siya nagkagusto, pero ganoon pa man, full support pa rin siya rito.
Gagawin ni Lantis ang lahat para lang mapalapit kay Nep. Kahit na nga ipagpalit ang kanyang buntot para maging paa katulad ng karaniwang tao. Sakto naman dahil may natuklasan si Kabibabe na paraan para maging tao ang kanyang beshie. Sa tulong ng mahika, natupad ang kagustuhan ni Lantis na maging isang ganap na tao!
Mukhang effective naman dahil nagkaroon ng instant connection ang dalawa. Bumalik ang masayang Nep dahil nakahanap siya ng “bro” kay Lantis. Hindi rin maitago ang saya ni Lantis dahil ang dating pinagmamasdan sa malayo, nahahawakan at nakakausap na.
Ito na nga ba ang magpapatunay sa kasabihang, “love knows no gender”? Pero ang totoong katauhan ni Lantis, matatanggap ba ni Nep?
Kaabang-abang ang bagong installment na ito ng ‘My Fantastic Pag-ibig’ na patuloy na tinututukan tuwing Sabado ng gabi.
Sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix, Jr., makakasama rin nina Yasser, Alex, Jo, at Cecil sa ‘Fairy Tail Romance’ si Skelly Clarkson.
Kiligin sa My Fantastic Pag-ibig presents: Fairy Tail Romance ngayong March 13 at 20, 7:45 pm sa GTV.