Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
EXCITED si Katrina Halili na makatrabaho ang multi-awarded at internationally acclaimed actor na si Allen Dizon.
Pangarap din ni Katrina na magkaroon ng international acting award at naniniwala siyang marami siyang matututunan kay Allen pagdating sa pag-atake ng kanyang role sa obrang Abe-Nida na isinulat ni Ralston Jover at ididirek ni Louie Ignacio.
Curious din siyang makaeksena sina Joel Lamangan at Laurice Guillen bilang co-actors sa pelikula.
Mula sa produksyon ng BG Films ni Ms. Baby Go, kasama rin sa pelikula sina Leandro Baldemor, Maureen Mauricio at Vince Rillon.
***
Super Tekla umalma sa akusang yumabang
Pagkatapos magpahayag ng kanyang tampo si Willie Revillame kay Super Tekla na sinabi ng una na kilala lang siya kapag may kailangan, bumandera naman ang huli sa buwelta nito sa isang hindi niya pinangalanang tao.
Obviously, hindi ang Wowowin host ang kanyang tinutumbok.
Ayon sa kanyang Facebook post, sinabi raw ng taong ito na lumaki ang ulo ni Super Tekla nang magkaroon ng pera.
Pagtatanggol naman ng komedyante, pinagpaguran at pinaghirapan niya ang lahat kaya siya nakaahon sa dati niyang kalagayan.
Sey din ni Tekla na ang naninira sa kanya ay dismayado dahil umano hindi niya ito pinautang kaya super talak para sirain ang kanyang kredibilidad.
“NAGPERA YUMABANG NA? BAKIT NUNG WALANG WALA AKO ANJAN KA!NAGSUMIKAP AKO AT MAY NAPALA SA PAGSISIKAP KO TAPOS SABIHIN MO MAYABANG NA! HINDI KA LNG PINAUTANG EH NAG FLIPTOP KANA,” emote ni Tekla.
Marami namang tagahanga ang nagtanggol kay Tekla at nagpatotoo sa umano’y tunay na ugali ng komedyante.
Kasama si Donita Nose, ang tambalan nilang Donekla ang isa sa mga top moneymakers sa Youtube.
Dahil din sa katas ng Youtube kaya siya nakabili ng sariling house and lot.