Advertisers
Ni JULIET PACOT
INAASAHANG si Barbie Forteza na ang tatanghaling Primetime Queen kapalit ni Marian Rivera na tila gusto nang magpahinga sa paggawa ng tv series.
Ito ay matapos humakot ng napakataas na rating ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday noong nakaraang Biyernes, Marso 5.
Tumindi naman talaga kasi ang hugot sa pag-arte rito ni Barbie na nakipagsabayan kina Dina Bonnevie at Snooky Serna na mga beterana sa showbiz.
Bukod pa sa hinaluan ng matinding emote ng mag-amang sina Jay Manalo at Kate Valdez.
Ilang araw na lang at magbababu na ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kaya inaasahang mas tataas pa ang rating nito at hindi na bibitawan ng televiewers.
Isang napakalakas na tili naman ang isinagot ni Barbie nang biniro na siya na kaya ang bagong Kapuso primetime queen?
Hindi na rin kasi keri ni Marian ang hectic ng schedule sa taping kaya mas pinili nito na magpahinga muna sa paggawa ng mga primetime series.
Tinanong si Barbie kung sa kanya na ba ipapasa ang titulong Kapuso primetime queen dahil siya ang Kapuso primetime princess sa ngayon.
“Oh my God! No!” tili ni Barbie nang marinig ang tanong.
Masaya na raw siya sa Kapuso primetime princess, na pinaghirapan daw niya.
“After years of asking me this question, I think, mas confident na po ako ngayon magsabi that I earned that title, and mas i-improve ko pa po to be worthy to be the primetime princess,” natatawa niyang pahayag.
Kabilang sa mga primetime series ni Barbie ay ang First Time (2010), Pilyang Kerubin (2010), Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa (2012-2013), Anna KareNina (2013), That’s My Amboy (2016), Meant To Be (2017), Inday Will Aways Love You (2018), at Kara Mia (2019).
Sa totoo lang, naghi-hit talaga ang halos lahat ng primetime series na pinagbidahan ni Barbie. Kung sakali, sa kanya karapat-dapat ipasa ni Marian ang titulong Kapuso primetime queen.