Advertisers

Advertisers

Sampal sa bashers at trolls ang No. 1 serye sa iWant TFC, Cast ng ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’ emosyonal sa nalalapit na pagtatapos

0 363

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SA ginanap na grand finale virtual mediacon para sa teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” na imbitado ang inyong columnist, dama namin ang pagiging emosyonal nina Iza Calzado, Sam Milby, Joseph Marco, Rita Avila at Maricel Soriano kasama ang sumikat na KiRae loveteam sa soap na sina Grae Fernandez at Kira Balinger. Nagpasalamat din sila sa lahat ng tumangkilik sa kanila sa kabila ng pagsasara ng ABS-CBN at pandemya ay naging number one sila sa iWant TFC, at malakas din sa iba pang digital platforms ng Kapamilya network.

Yes, sulit ang lahat ng pinaghirapan ng buong cast, mga director nito na sina FM Reyes at Avel Sunpongco at creative team at lahat ng bumubuo sa production ng JRB Creative Production ni Ma’am Julie Anne Benitez.



Good news para sa lahat ng tumatangkilik ng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” starting yesterday, March 8, 8:20pm ay mapapanood niyo na ito sa primetime slots ng TV 5 kasabay ng airing sa Kapamilya channel at A2Z Channel 11.

Nang hingan ng kanyang reaction si Iza sa good news na ito ay masaya ang aktres at mapapanood na sila sa wakas sa free channel.

“Salamat at nabigyan ng pagkakataon na kahit dalawang linggo man lang ay mai-ere kami. Hindi totoo, I mean malaking bagay ‘yun. Minsan nga naiisip ko, I wonder ‘pag bumalik kaya ang franchise (ABS-CBN) ay i-replay kaya nila.

“Alam mo ‘yung naiisip ko siya. I wonder kung ipalalabas kaya nila para mabigyan ng pagkakataon na mapanood ito ng marami.”

Para naman sa isa pang lead actress na si Jodi Sta. Maria ay hindi raw biro ang ginampanang character sa ASIAA.



“Hindi siya naging madali because napaka- internal ng character ni Marissa (ginagampanan ng aktres) at the same time, napaka-explosive rin niya. I have never portrayed something like it, so it was challenging, at the same time fun and exciting. Kasi hindi mo alam kung ano ang mga next mong gagawin,” say pa ni Jodi na nais ipaabot ang kanyang pasasalamat sa lahat ng viewers since umere sila noong August 17, 2020. “Salamat po sa pagsama sa amin sa journey sa aming programa “Ang Sa Iyo Ay Akin.” Samantala, sa kanilang huling dalawang linggo ay kaabang-abang at makapigil-hiningang tagpo ang sasalubong sa mga manonood ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” dahil malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa tangka nitong muling takasan sina Caesar (Simon Ibarra).

Makaligtas kaya ang binata? Abangan sa ASIAA.

***

VAA Singer-Actress Marion Aunor, Touched Sa Magandang Treatment Ni Sharon Cuneta Sa Movie Nilang “REVIRGINIZED”

 

Taong 2018 nang gawan ng kanta ng VAA singer/actress/songwriter na si Marion Aunor si Sharon Cuneta na may titulong “Lantern” na included sa Megastar album.

Ang pakiramdam ni Marion ay napaka-lucky niya at ang composition niyang ito ay ni-record ni Sharon na she’s not expecting also na makakasama niya pala sa comeback movie nito na “Revirginized” under Viva Films.

“I wrote her a song called “Lantern” back in 2018 for her Megastar album. Whenever people ask me who I’ve written for always rave about how I’ve been lucky enough to have her interpret one of my original compositions,” say pa ni Marion nang amin siyang ma-interview via chat. Dagdag pa nito, “So it feels awesome finally getting to meet her and actually getting to act alongside her in latest movie called “Revirginized.”

Nang kumustahin namin ang experience ng multi-talented daughter (Marion) ni Ma’am Maribel during the filming of their movie at paano katrabaho si Sharon ay heto ang kanyang naging tugon sa amin.

“She (Shawie) is a joy to be around and one of the sweetest and kindest people I’ve ever met. On set she makes everyone feel welcome and at ease. It definitely took the pressure off for me since she’d  always make us laugh and share stories about her life.”

“She even sang a snippet of my song right in front of me as soon I introduced myself and her actually remembering how the song goes and saying it was one of her favorites in her album really meant a lot to me. Hopefully I get to write more songs for her or even be a part of her future films again.

“Overall, the whole experience with her has been a blessing.”

At may bonus pa dahil gusto ng director nila sa movie na si Darryl Yap na siya ang kumanta ng themesong ng “Revirginized.”

Pagdating kasi sa pagkanta ng movie themesongs sa Viva Films ay isa si Marion sa pinagkakatiwalaan ng kanyang management dahil patok ang lahat ang ginawa nitong themesong.

Supposedly, kung pumuwede lang dapat itong “Lantern” ang gagamiting themesong sa movie ni Mega kaso bawal pala sa Subic ang magpalipad ng lantern kaya gagawa na lang ng iba at wish ni Marion ay maihabol pa.

Matagal na palang bilib si Direk Darryl kay Marion at sa katunayan ay ginamit nito sa isang series niya na “Sakristan” ang dalawa sa sikat na kanta ni Marion na “Delikado” at “Akala.”