Advertisers

Advertisers

Nang aminin ang relasyon… Julia at Gerald nagpo-post na ng lambingan sa socmed

0 227

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NA-proud si Julia Barretto sa bf na si Gerald Anderson na sa mismong kaarawan ay namahagi ito ng tulong sa mga Aeta.

Pinagmamalaki na rin ni Julia na wala nang kiyeme na nag-post ng pics nila ni Gerad habang magkayakap at hinahalikan siya sa pisngi.



Ngayon nga raw na lumantad na sila sa tunay na estado ng kanilang pagmamahalan ni Gerald, asahan na nga raw ang mga post ng kanilang mga lambingan sa social media.

Eh marami pa ring naasar na netizens sa pag- amin nila ng kanilang tunay na relasyon.

Dahil noon ay todo-deny ang dalawa sa kanilang relasyon. Kaya sabi ng netizens, deny pa more na sa bandang huli ay aamin din pala.

May mga netizen na nagsasabi na hayaan na sila dahil mahirap nga raw ang nagtatago o itinatago pa ang relasyon. At least ngayon ay lantaran na nila nae-express ang kanilang pag-iibigan sa socmed.

***



HALOS dalawang dekada na rin na nasa industriya si Angelics Panganiban kaya naman hindi na ito masisisi kung magreretiro na siya.

Six years old pa lang daw si Angge ay umaakting na ito at marami nang nagawang projects mapa- film or serye.

Natanong nga raw ni Angelica sa sarili nito na  bakit pinapagod nito ang sarili.

Sa dami na nga raw ng serye na nagawa ay puro heavy drama kaya need ng iyakan.

Sa tingin ni Angelica ay naibuhos na niya lahat ng patak ng kanyang luha sa mga serye na nagawa.

Handa na naman si Angelica na ipasa na sa iba or sa new generation na sila naman at naniniwala ang aktres na kaya nilang gawin kung anuman yung iiwan niya.

Well, well, well…’Yun na!