Advertisers

Advertisers

Barbie maihahanay na kina Nora at Juday sa husay sa akting

0 219

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ANO ang reaksyon ni Barbie Forteza kapag sinasabing siya ang Primetime Princess ng GMA?

Kailan sinimulang gamitin sa kanya ang naturang titulo?



“Medyo may mga ilan na po na matagal ng itinatawag sa akin yan, na hindi ko lang ma-claim dahil hindi naman from the network, kumbaga hindi naman pa binigay ng network, tawag lang ba.”

Ngayong official na, ano ang reaction niya?

“Masaya siyempre, mas inspired magtrabaho, kasi siyempre sa tagal ko na rin po sa, kahit papaano, sa showbiz, siyempre ramdam ko yan, na everytime laging may bagong pumapasok, so at least yung title na yun is a reminder na hindi ako napapabayaan ng network, kasi binigyan nila ako ng title, so ibig sabihin hanggang ngayon na-a-appreciate nila yung ginagawa ko, hindi nila talaga ako binabalewala.”

Bida si Barbie (bilang Ginalyn) at Kate Valdez (bilang Caitlyn) sa  Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na pinagbibidahan din nina Snooky Serna (bilang Amy) at Dina Bonnevie (bilang Sussie) together with Jay Manalo (bilang Joaquin), Migo Adecer (bilang Cocoy) at marami pang iba.

Sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz, napapanood ito pagkatapos ng  24 Oras.



Hiningan namin ng reaksyon si Barbie tungkol sa opinyon ng marami na sa mga female teenstars ngayon ay siya ang pinakamahusay kung pagiging aktres ang pag-uusapan

“Ganern? Ay! Hindi ba yung pisngi ko yung panlaban ko,” at tumawa ang GMA Tween Queen.

Si Barbie ang pinaka-awarded bilang aktres among her contemporaries.

“Siguro kasi, kumbaga parang… iba-iba  naman kasi. Hindi naman kasi siguro sila magtatagal, hindi naman siguro sila papasok sa showbiz kung… di ba, kung hindi sila magaling umarte.

“At tsaka hello, may mga awards na rin naman sila, di ba?

“At tsaka ang tataas ng ratings ng shows nila so ibig sabihin marami talagang nakakapansin sa kanila.”

Si Barbie ang may pinakamaraming acting trophies kumpara sa ibang young actresses na kapanabayan o kaedad niya.

At siya rin lamang ang pinakamapangahas na sumubok ng iba’t ibang klase ng papel sa mga indie films.

“Siguro ano lang yun, ako po kasi talaga gusto kong i-expose yung sarili ko sa indie films kasi dun ko talaga mate-test yung sarili ko kung hanggang saan yung makakaya ko pagdating sa pag-arte.

“E sila mainstream sila di ba, so iba naman.”

Si Barbie ay inile-level na sa mahuhusay na aktres na tulad nina Judy Ann Santos at Nora Aunor; in fact, ay naglaban-laban sila bilang Best Actress dati sa Cinemalaya 2016; magkasama sa pelikulang Tuos sina Barbie at Nora.

“Opinyon yun, it’s an opinion… hindi naman siya fact,” at tumawang muli si Barbie.

“Grateful ako sa mga tao na ina-acknowledge ako in that way, kasi for a  young actress like me isang malaking karangalan na makatrabaho ko ang isang Nora Aunor kaya ayun.

“For me hindi ko naman ginagalingan yung pag-arte to compete with anyone.

“Pero kasi gusto ko siya talaga, eversince gusto ko talagang umarte. Iyon lang. Hindi naman para malamangan yung iba.

Sanay na ba si Barbie kapag hanggang ngayon ay maraming nagpapantasya kay Jak Roberto?

“Oo naman! Actually, compliment na yun para sa akin, di bale na lang kung papatulan niya, di ba? Siyempre ibang usapan naman yun.”

May nagbiro, kung ayaw ba ni Barbie na i-share ang boyfriend niyang si Jak?

“Bakit ise-share? Airdrop? Ha! Ha! ha! Bakit ise-share? Hindi naman airdrop si Jak!”

Si Jak ba ay marunong magselos?

“Hindi seryoso, very mga pabiro, ganyan, kunwari pag may pina-follow ako, nila-like ako, ganyan.”

Tulad nino?

“Ay hindi, mabait ako, hindi ako nagpa-follow pag alam kong magseselos siya, hindi ko pina-follow.”

Wala rin naman daw pinagselosan si Jak kay Barbie.

“Wala naman, alam mo so far wala, ha? Eto, it’s safe to say, wala pa akong pinagselosan kay Jak, kahit yung kunwari di ba meron siyang Bubble Gang?

“Siyempre lahat ng mga babae diyan naka-nyeknyek shorts, naka-tank top lang, ganyan, in all fairness naman, wala.”

“Kasi naniniwala… ang maganda kasi kay Jak, naniniwala daw siya sa karma.

“So, iyon yung talagang thinking niya, na lahat ng bagay very mindful siya in doing… yung mga ganyang bagay. Baka daw kasi bumalik sa kanya.”

Naniniwala naman si Barbie na faithful si Jak sa kanya…

“Oo naman! ‘Tong ganda kong ‘to lolokohin mo? Tanga, ha? Ha! Ha! Ha!”