Advertisers

Advertisers

P-Duterte nasiyahan sa rollout ng bakuna vs COVID-19 — Sen. Go

0 205

Advertisers

“SATISFIED naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa takbo ng rollout ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa”.

Ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go base aniya sa mga pahayag ng pangulo sa weekly program nito na “Talk to the People” at hindi aniya bilang tagapagsalita ng pangulo

Sinabi ni Go na binigyan pa ng Pangulo ng words of encouragement ang mga opisyal ng gobyerno kabilang sina Vaccine Czar Carlito Galvez at Health Secretary Francisco Duque na gawin lang ang kanilang trabaho at huwag nang pansinin ang mga hindi sumasang-ayon.



Ang mahalaga ayon sa Pangulo ay magtuloy-tuloy na ang pagbabakuna dahil matagal namang hinintay ang pagdating ng bakuna.

Ipinaalala rin ni Go sa sambayanan na tanging bakuna ang solusyon para unti-unting makabalik sa normal na pamumuhay ang sambayanan.

Dagdag pa ni Go na nagmamadali na rin maging ang Pangulo kaya agad na ipinakalat sa buong bansa ang dumating na bakuna noong Linggo. (Mylene Alfonso)