Advertisers
NAG-DONATE ang China ng 600,000 doses ng Covid-19 vaccine na Sinovac sa Pilipinas. Dumating ito nung Linggo. At sinimulan nang itong iturok sa frontliners, healthcare workers at uniformed personnel last Monday.
Sa pag-donate na ito ng China ng bakuna sa ating gob-yerno, masasabi ba nating kaibigan nga nila tayo?
Para sa akin pampalubag-loob lang ng China itong pag-donate nila ng bakuna sa Pilipinas. Dahil sa mga ginagawa nilang pagsakop sa ating mga isla at karagatan sa West Philippine Sea (WPS) kungsaan nakapagtayo na sila ng military base, hinaharang ang ating mga mangingisda na pumasok sa karagatang nasa mapa ng Pilipinas, at nina-nakaw ang ating resources sa dagat.
Bukod dito, ang Covid-19 ay nagmula sa China. Kaya kung mag-donate man sila ng bakuna, dapat lang dahil sa kanila nagsimula ang mapamuksang virus na nagpapahirap ngayon sa maraming bansa partikular Pilipinas na isang taon nang under quarantine.
Nagtataka lang tayo sa ating gobyerno. Sa laki na ng inutang para sa Covid-19, umasa pa sa donasyon. Nauna pang dumating ang donasyon na hindi tanggap ng maraming Pinoy dahil sa pagiging substandard ng gamot, mababa ang efficacy rate at ‘di pa ganap na aprubado ng mga otoridad.
Mismong ang Food and Drug Administration (FDA) ang nagsabi na ang donasyon na bakuna ay pang-emergency use lamang, hindi puwede sa healthcare workers at senior citizens.
Gayunpaman, dahil napasubo na ang gobyerno ng Pi-lipinas, para makumbinsi ang healthcare workers na magpaturok ng Sinovac, sila na ang nanguna. Dapat lang!
Balik tayo sa tanong: Kaibigan nga ba tayo ng China?
Sagot ng netizens matapos kung ipost sa Facebook ang katanungang ito:
*Hindi tayo kaibigan ng China. Inuuto lang nila ang mga Pilipino sa tulong ng kanilang dummy. Kulang na kulang ‘yan sa kabayaran ng kanilang pag-angkin sa WPS – Manong Naz
* Boss Joey, hindi po ako naniniwalang donation po yan 600K vaccines na yan. Sigurado po ako may kapalit po yan. Nasa China po ibang kaibigan ko. Delikado daw po yan vaccines na yan. Ginawa nilang eksperimento ang mga kababayan natin para madali nilang mapasunod sa lahat ng gusto nila. Mahirap po sa ibang kababayan natin napakadali nilang mauto at magtiwala. Sila nga po ang lumikha ng novel coronavirus na hindi sila naawa sa libo libong kababayan nilang namatay, tayo pa kayang hindi nila kalahi ang pagmamalasakitan ng mga Intsik na yan? Sayang lang po mga pinaglalaban ng ating mga ninuno napunta lang sa wala dahil sa mga ganid, sakim at kawatan na politiko. – Addas Godwin Pangan
* Wala na po bang kasunod yan? Friend or hindi dapat po ilibre ng China ang lahat na may gustong magpaturok ng vaccines nila, kasi sila naman po ang dahilan kung bakit kumalat ang virus at lahat tayo apektado at madami pang namatay – Rosemarie Arroyo
* Hindi ako naniniwala na kaibigan tayo ng China. May vested interest yan. Yang donasyon nila ay kulang pa yan pambayad sa mga perwisyong ginawa nila sa atin. Sa kanila galing ang virus na yan, ninanakaw nila ang mga yaman-dagat natin pati mga isla sa West Phil Sea inaangkin nila, sa kanila din galing ang shabu. Kung kaibigan nila tayo, hindi nila gagawin yan sa atin. – Bert Dominic
Ilan lang ito sa mga brutal na reaksyon ng ating mambabasa. Keep safe!