Advertisers
PAREHO umanong mataas ang transmissibility o mas nakakapanghawa ang South African variant at UK variant base sa pag-aaral at ebidensya.
Pero ayon sa South African variant ayong kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ay may isa pang component o mutation na nakaka-apekto sa vaccine efficacy o ang tinatawag umanong “immune escape’.
Kaya naman aniya ang South African variant ay mas binabantayan kaya dapat aniya hangga’t maari ay mabilis ang pagpigil sa variant na ito upang maiwasan ang lalo pang pagkalat.
Sa huling update ng Department of Health (DOH), mayroon nang anim na kaso ng B.1.351 o South African variant sa bansa.
Ang tatlo rito ay local cacses at dalawang returning overseas Filipinos o ROFs habang ang isa naman ay patuloy pang bineberipika. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)