Advertisers

Advertisers

May pinatatamaan yata… Lea diniin, ‘di sa pagbirit nasusukat ang husay ng singer

0 241

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAG-celebrate ang Broadway Diva at Tony-award winning actress na si Lea Salonga ng kanyang ika-50 kaarawan kamakailan.

Sa kanyang column sa isang broadsheet, nagbigay siya ng 50 mga bagay na natutunan niya sa kanyang 50 years of existence.



Ilan sa mga ito ay ang learnings niya na iminulat ng kanyang mga magulang, at natutunan sa kanyang katrabaho at mga taong nakasalumuha sa career.

Aniya, sa kanyang tatay raw ay natutunan niya na lahat ng tinatamasang tagumpay ay pinaghihirapan dahil one percent lang dito ang inspirasyon.

Sa Mommy Ligaya naman niya, sa mga nagrereklamo tungkol sa hirap ng buhay, isipin daw na ang pinakamahirap na bakahin ay ang mag-survive noong World War II.

Sey din niya, bagama’t “mother knows best,” hindi raw kailangang laging naririnig ka sa nanay mo, although nagbigay naman siya ng pasintabi sa kanyang ina.

Sa trabaho, importante raw ang maging propesyunal, ngunit mahalaga rin ang maging mabait at marespeto sa kapwa.



Kalimitan, less is more, so huwag daw magpaka-OA.

Sa mga singer daw, hindi naman sa pagbirit, nasusukat ang galing ng isang performer.

Importante rin daw ang pagiging natural dahil hindi nabibili ng pera ang “class.”

Sa buhay, hindi  raw mawawalan ng mga taong gusto kang pabagsakin. Dapat na tanggapin mo itong bahagi ng iyong pakikibaka kaya’t huwag magpaapekto.

Hirit pa niya, hindi mo raw kailangang maging kaibigan ang mga nakakatrabaho mo pero huwag lang daw kalimutang tratuhin sila nang may respeto.

Hindi raw lahat ng idinidikta ng puso ay tama kaya nga anya may utak ang isang tao para magpasya.

Okey lang daw ang mabigo ng maraming beses dahil ang mga leksyon mong matutunan dito ang magiging sandata mo para bumangon.

Huwag rin daw kalilimutang laging magdasal at magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.

Sa panahon ng Covid, natutunan daw niya na laging maglaan ng panahon sa piling ng mga mahal sa buhay.