Advertisers
Ni WALLY PERALTA
CAUGHT in the act ang labis na pagkabigla sa parte ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa virtual signing niya ng excusive contract sa Kapamilya Network, nang may bumulagang isang well-wisher sa kanya. Hindi lang si Arjo kundi halos lahat ng Kapamilya na nanonood at sumaksi sa virtual conract signing niya.
Ang taong labis na nagpasorpresa kay Arjo at sa mga solid Kapamilya ay ang gf nitong si Maine Mendoza na kilalang Kapuso talent. Bihira kasi ang mga pagkakataon na pinapayagan ang mga talent ng Kapuso o ng Kapamilya na tumuntong sa kalabang istasyon pero dahil sa pagmamahal at suporta sa bf ay buong ningning na nag-appear ang byuti ni Maine via video greeting. “I wish you more success in your career, more projects, more challenging and exciting roles. And please know that I am always here for you, with you, and always right behind you to give you my 110% support in everything that you do, and also to celebrate every milestone with you, like this one.
“There’s so much in store for you, that I know for sure. Pero ngayon pa lang, sasabihin ko na sobrang proud ako sa ‘yo, sa mga narating mo at sa mga mararating mo pa. Just keep doing what you love. ‘Yun lang, congratulations and love you,” ani Maine.
Sa ginawang move na ito ni Maine ay marami ang nag-iisip na may chance kaya na maging Kapamilya na rin siya someday? Ganyan talaga sa showbiz, kung saan sa palagay ng artist siya maggo-grow ng kanyang karir ay go siya, kahit itanong nyo pa kay Janine Gutierrez.
***
IBA talaga ang kinikilos ni Ruru Madrid sa kanyang mga sinasabi pag pinag-uusapan na ang tunay na relasyon nila ni Bianca Umali. Kapwa walang aminan mula sa magkabilang kampo na tila pinagkasunduan na ng dalawa na ‘wag magsasalita hinggil sa kung anuman ang meron sila ngayon.
Kung pagbabatayan naman ang mga larawan na magkasama silang dalawa ay hindi maikakaila na there’s something between the the two na mas malalim na pakahulugan kaysa sa sinasabi nila.
Tulad na lang ng larawan na pinost ni Ruru sa kanyang socmed account na nakasaad ang mga katagang, “Miss you each day, every day, all the time.”
Super kilig ang mga nakakita nito at maraming nag-like sa naturang post.
Ayon sa aktor, nilagay niya ang litrato dahil sa nami-miss na niya si Bianca sa kanilang bonding at lakaran. Kapwa kasi busy pero higit na mas busy ang aktres sa kanyang lock-in taping ng serye nila ni Dennis Trillo na “Legal Wives” at ang pagbabalik sa taping din ng kanyang kauna-unahang international project, ang “The Halfworld: Season 3” ng HBO Asia Originals.
Ani aktor, nilagay niya ang photo nilang dalawa ni Bianca na kapwa naka-jogging pants at nakatayo habang umuulan, para maibsan kahit kaunti ang kanyang pagka-miss sa rumored gf.
Para kay Ruru, ang hiwalayan nila ngayon ang pinakamatagal na pagkakalayo nila sa isa’t isa. Umaabot na raw ng two months na hindi pa niya nakikita si Bianca personally. Sa video call lang kasi sila nagkaka-bonding.
Ayon kay Ruru, bitin na bitin siya sa video call bonding nila, iba pa rin daw kasi pag katabi at nahahawakan niya si Bianca.