Advertisers

Advertisers

‘TALA: THE FILM CONCERT’ NI SARAH G, EKSLUSIBONG MAPAPANOOD SA KTX.PH, IWANTTFC, AT TFC IPTV SA MARSO 27

0 241

Advertisers

Ni BKC

ISANG espesyal na online concert ang handog ni Sarah Geronimo sa kanyang fans sa buong mundo dahil mapapanood na ang “Tala: The Film Concert” sa digital platforms na KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa Marso 27 ng 8 PM.

Sunud-sunod na pasabog ang inihanda ng nag-iisang Popstar Royalty para sa worldwide premiere ng kanyang concert dahil may makakasama siyang surprise guest sa dalawang numbers. Magtatagal din ng dalawang oras ang event na 18 na awitin ang ipe-perform niya, kabilang na ang mga bago at kakaibang bersyon niya ng hits na “Kilometro,” “Ikot-ikot,” at “Isa Pang Araw.”



Simula noong Pebrero 19 naman, mabibili na ng fans sa KTX.PH ang regular tickets sa halagang P1,500. Available rin ang VVIP tickets sa halagang P3,000, na may kalakip na kwentuhan session kasama si Sarah sa pamamagitan ng Zoom.

Mabibili naman ng iWantTFC users sa Pilipinas ang regular tickets (P1,500) sa iwanttfc.com at Android app. Para naman sa fans sa labas ng Pilipinas, available na rin ang tickets na nagkakahalagang USD29.99 sa iWantTFC at TFC IPTV.