Advertisers

Advertisers

Jillian nagpa-survery, dapat pang magka-Book 2 ang ‘Prima Donnas’

0 295

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI na nga itinago ni Jillian Ward ang kanyang kalungkutan sa pagtatapos ng “Prima Donnas” sa ere.

Nalulungkot si Jillian dahil sa teleserye na ito nagsimulang magbago ng kanyang image sa showbiz world mula sa pagiging isang child star ay isang na siyang teenstar, at nagkaroon ng mga bagong friends na kaedad na sina Sofia Pablo, Althea Ablan, at Elijah Alejo.



Masaya naman si Jillian at marami silang napaligaya sa kanilang serye at lalo pa nga na ito ang highest rating serye sa hapon ng Siyete.

Sa kabila ng kalungkutan ay kumakapit si Jillian sa kanyang paniniwala na magkakaroon ng Book 2 ang kanilang teleserye. May tsika kasi na malamang ay gawan daw ng Book 2 ang serye na ito. At para mas lalong magkaroon ng lakas ng loob sa pagkakaroon ng ikalawang aklat ang “Prima Donnas” ay nagpa-survey pa si Jillian sa kanyang followers sa sariling  social media accont kung feel ba ng mga ito na magkaroon ng Book 2 ang “Prima Donnas” at ang kinalabasan ng survey ay umabot daw ng mahigit 40k ang pabor.

“Nalulungkot din po ako na tapos na pero confident din po ako na baka merong Book 2. Ako po, tinanong ko po ‘yung followers ko sa Facebook. Umabot po ng parang 40,000 comments po na gusto daw po nila ng Book 2,” ani Jillian.

***

ALDEN RICHARDS, ANGEL LOCSIN, ARJO AT DINGDONG DANTES PASOK SA IKA-5 FILM AMBASSADOR NIGHTS NG FDCP



ANG Film Ambassadors’ Night (FAN) na taunang isinasagawa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ng super sipag na Chairperson and CEO Liza Dino Seguerra ay kumikilala sa Filipino film industry creatives, artists, filmmakers, at mga pelikula na nakatanggap ng parangal mula sa established international film festivals at award-giving bodies ng nakaraang taon.

Ipagdaraos  ang ikalimang Film Ambassadors’ Night (FAN) ngayong taon at ipalalabas ito nang libre sa pamamagitan ng online streaming sa Pebrero 28, Linggo, ng 8 pm exclusively sa FDCP Channel. Ang mga nais manood ng FAN 2021 ay maaring mag-sign up for free sa fdcpchannel. ph.

“Talagang pinaghandaan po namin ito para maging espesyal ang event for our honorees. Ito po ang unang major event ng FDCP for 2021, so let’s all unite. I-celebrate po natin ang mga magandang nangyari sa 2020 sa kabila ng pandemya. Nakaka-proud lang na nakakita kami ng increase sa mga actors and movies na nananalo sa international film festivals. Dati paisa-isa, ngayon marami na ang nananalo,” say ni Usec Liza.

Tampok sa Actors category sina Cristine Reyes para sa “Untrue,” Ruby Ruiz sa “Iska,” Elijah Canlas sa “Kalel, 15,” Louise Abuel para sa “Edward,” Isabel Sandoval para sa “Lingua Franca,” Alden Richards para sa “Hello, Love, Goodbye,” Lovi Poe at Allen Dizon para sa “Latay,” at ang cast members ng “Kaputol” na sina Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino, at Ronwaldo Martin.

Sina Dingdong Dantes at Arjo Atayde ang television awardees na napabilang sa FAN 2021 Actors list.

Ang FAN ay suportado ng CCP sa pamamagitan ng partisipasyon ng resident symphony orchestra nito, ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO). Tampok ang PPO sa mga production number kasama ang mga premyadong performer na sina Bamboo, Tres Marias (Bayang Barrios, Cooky Chua, at Lolita Carbon), Bituin Escalante, Beverly Salviejo, Karla Gutierrez, Lawrence Jatayna, at The Pogi Boys. Mayroon ding special numbers tampok sina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Sitti, Richard Poon, Kean Cipriano, at Duncan Ramos.