Advertisers

Advertisers

‘Bad loans’ sa DBP iimbestigahan sa Kamara

0 212

Advertisers

IIMBESTIGAHAN na rin ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang lahat ng “bad loans” na binenta ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa mga special purpose vehicles o SPVs.
Aabot ang naturang bad loans o yung mga non-performing loans (NPLs) at non-performing assets (NPAs) ng P9.55 billion.
Naungkat ang isyu sa gitna ng imbestigasyon ng Kamara sa P1.6 billion condoned loans ng mga Lopez.
Ayon sa DBP ang naturang halaga ay katumbas ng 17% ng mahigit P9 billion na ‘bad loans’ na kanilang ibinenta sa pamamagitan ng auction salig sa Republic Act 9182 or The Special Purpose Vehicles Act of 2002.
Sa ilalim nito maaaring ipasa ng bangko ang naturang bad loans sa SPV na isang stock corporation para sa NPL at NPA.
Ang naturang loan ng mga Lopez ay naibenta sa Lehman Brothers Asia Ltd., ang Asia-Pacific Arm ng dating United States investment bank na Lehman Brothers Holdings Inc.
Bunsod nito, ipina-subpoena na ni DIWA Party-list Rep. Michael Aglipay, chair ng komite ang listahan ng lahat ng private companies na ibinenta sa state-owned bank mula pa sa 1970s upang matukoy ang nalalabing 83% ng naturang “bad loans.” (Henry Padilla)