Advertisers
INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na bukas na sa publiko ang regalo nila ni Vice Mayor Honey Lacuna sa mga Manileño na bagong tayong ‘Wellness Clinic’ kung saan libre ang lahat ng serbisyo.
Ayon kay Moreno ang bagong clinic na matatagpuan sa Pandacan, ay pinatatakbo ng Manila Health at nag-aalok ng libreng health and medical services sa mga Manileño, partikular sa mga taga-district six kung saan naroon ang clinic.
Ang mga libreng serbisyo na ibinibigay ng clinic na pinatatakbo ng nga kawani ng MHD sa ilalim ng hepe nito na si Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, ay ang mga sumusunod: risk assessment (blood pressure , blood sugar FBS / RBS, blood cholesterol and haemoglobin); diabetic foot screening; bone scan; .UTZ for benign prostatic hyperplasia; screening for hypertension and diabetes and visual acuity / cataract screening.
Binanggit din ng alkalde na mayroon ding Zumba at iba pang physical activities na inaalook ang bagong Wellness Clinic.
Ayon kay Moreno, ang Wellness Clinic na regalo nilang dalawa ni Lacuna sa mamamayan ng lungsod ay nagpapaalala sa lahat ng mga magpupunta sa clinic na mandatory ang pagsusuot ng face masks and face shields.
Pinuri ng alkalde si Pangan at ang team nito sa kanilang dedikasyon sa trabaho. Samantala ay sinabi ng alkalde na patuloy ang bakuna kontra tigdas at rubella kahit pista opisyal at weekends.
Ayon pa kay Moreno, ay personal nilang sinusubaybayan ang pagbabakuna sa mga bata at tinitiyak na matatapos na ito sa madaling panahon bilang paghahanda naman sa pagdating ng COVID-19 vaccines.
Sa sandaling dumating na ang COVID vaccines at masesentro na ang gawain ng lokal na pamahalaan sa pagbabakuna ng mas nakararaming residente kung saan ang prayoridad ay ang mga health frontliners. (ANDI GARCIA)