Advertisers
UMAARYA na o umuusad na sa anihan ang mga gulayang-pananim at ngiting kasiyahan na bitbit ang mga biniling bagong aning gulay ng mga naging panauhin sa isinagawang seremonya nitong Huwebes sa unang pag-aani ng iba’t ibang mga pananim na gulay sa proyektong BUHAY SA GULAY na inilunsad ng DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) at ng QUEZON CITY GOVERNMENT sa NEW GREENLAND, BRGY. BAGONG SILANGAN, QUEZON CITY.
“After 41 days, we are very grateful that the New Greenland farm is finally having its first harvest. It is worth celebrating because it was made possible through the collective effort of the government and the farmers of Bagong Silangan,” pahayag ni QC MAYOR JOY BELMONTE na siya ring CHAIRPERSON ng QC FOOD SECURITY TASK FORCE.
Inihayag naman ni DAR SEC. BRO. JOHN CASTRICIONES na ang proyektong BUHAY SA GULAY ay hinde na lamang sa METRO MANILA ilulunsad kundi inatasan na rin nito ang lahat nilang DA REGIONAL DIRECTOR na ang mga URBAN AREAS na kanilang nasasakupan ay dapat na maisagawa rin ang BUHAY SA GULAY PROJECT na mabisang pang-asiste sa kakulangan ng pagkain ngayong panahon ng pandemya.
Ang seremonyang BUHAY SA GULAY HARVEST FESTIVAL na pinangunahan nina DA SECRETARY BRO. CASTRICIONES at QC MAYOR BELMONTE ay naging panauhin si CABINET SECRETARY ATTY. KARLO NOGRALES; MRS. TOURISM AMBASSADOR PATRICIA JAVIER at ang isa sa tila nangharana sa mga panauhin at sa mga magsasaka ay si ex-QC COUNCILOR/ VETERAN SINGER ANTHONY CASTELO sa pamamagitan ng isa sa mga tanyag niyang awitin na “NANG DAHIL SA PAG-IBIG”.
Sa naturang okasyon, habang nasa bahagi ng pag-aani ng mga gulay sina SEC. CASTRICIONES, MAYOR BELMONTE, at iba pang mga panauhin ay bini-video ng ARYA ang mga eksena at nang rebisahin ko po ang aking video ay nakita ko sa video ang eksenang hinugot ni MS. PATRICIA JAVIER ang kaniyang celfone sa rightside pocket ng kaniyang suot na pantalon.., pero nahugot din ang pera nito na ikinalaglag at hinde nito napansin maging ng kaniyang katabing bodyguard.., pero paglipas ng ilang saglit ay makikita sa video na ang perang nalaglag ni Ms. JAVIER ay napulot ng isang farmer at inihabol na ibinigay ang pera kay JAVIER. Kaya naman, kapuripuri at masasabing ang mga farmer sa naturang lugar ay mga HONEST!
Siyempre pa, unang natuwa sa naturang proyekto ay ang mga opisyales ng BRGY. BAGONG SILANGAN sa pangunguna ni BRGY. CHAIRMAN WILFREDO “WILLY” CARA dahil sa mabibigyan ng pangkabuhayan ang kanilang mga kabarangay na hikahos din sa buhay dulot ng COVID PANDEMIC.
Ang proyektong BUHAY SA GULAY ay proyektong pinagtuwangan ng DAR, DA, BUREAU OF PLANT INDUSTRY, TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY (TESDA), BREAD SOCIETY INTERNATIONAL, AGRICULTURAL TRAINING INSTITUTE, COOPERATIVE DEVELOPMENT AUTHORITY, QC GOVERNMENT at ng BRGY. BAGONG SILANGAN na 7-ektarya ang mapagtatamnan sa NEW GREENLAND na inaasahang makapag-aani kada-taon ng 765 metric tons ng mga gulay na kinabibilangan ng TALONG na makapag-aani ng 29.7 MT; SITAW 0.7 MT; PETSAY 350 MT; MUSTASA 280 MT; KALABASA 25 MT; OKRA 80 MT; AMPALAYA 20 MT.., ay, sana magkaroon din ng SALUYOT paboritong ulam ko po ito.
Tinatayang nasa 700 kilo ng mga gulay na kinabibilangan ng petsay, mustasa, spinach at kangkong ang inani sa naturang okasyon nitong Huwebes.
Kahapon naman ay pormal na pinasinayaan ang karagdagang proyekto ng administrasyon ni MAYOR BELMONTE na “AQUACULTURE” ..,, na ang mga dating kural ng mga baboy ay hinde na mga baboy ang aalagaan (dahil sa ordinansa ng QC sa pagbabawal ng babuyan) ay gagawin na ngayong alagaan ng mga isdang pang-ulam (hinde mga isdang pang-acquarium lamang). Ang mga pasisimulang isdang aalagaan ay mga TILAPIYA at HITO.., na sana ay isunod din ang EEL (IGAT) CULTURE, DALAG, GURAMI, TALANGKA at SNAIL CULTURE na masustansiyang mga pang-ulam mula sa tubig-tabang.
Ang seremonya sa naturang proyekto ng QC at ng DA ay isinagawa sa PINAGBUKLOD AREA 5, SITIO VETERANS, BRGY. BAGONG SILANGAN,
“The program is in line with the Department of Agriculture’s Promotion of Urban Aquaculture to generate income for ASF-affected hog farmers.
Under the project, vacant/abandoned pigpens of ASF-affected hog raisers will be converted into fish tanks suitable for tilapia and hito culture and will employ recirculating aquaculture system. A total of 60 units filtration system, 10,000 pieces hito and 9,000 pieces tilapia fingerlings including one cycle of feeds that will serve as a starter kit will be provided to the 60 identified beneficiaries from Brgy. Silangan and Payatas in Quezon City, which was heavily affected by ASF,” pahayag ni MAYOR BELMONTE.
PANUKALA NG ARYA.., dapat magkaroon ng AQUACULTURE SEMINAR-WORKSHOP ang DEPARTMENT OF AGRICULTURE, BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES (BFAR), DAR at ng LGU’s tulad ng QC na isasagawa sa lahat ng mga BARANGAY upang ang mga residente na kahit walang espasyong maluwag sa kanilang lote ay magagawa pa ring makapag-alaga ng mga isda sa loob ng kanilang mga bahay na magiging pang-ulam ng kanikanilang mga pamilya.., at dapat ay libre ang mga seminar pati mga FINGERLING o kung bibilhin man ang FINGERLINGS ay dapat presyong pamigay bilang pangkatulungan sa lahat na magkakainteres sa ganitong mga pag-aalaga sa loob ng mga bahay-bahay!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.