Advertisers

Advertisers

Summer break ng mga mag-aaral pinag-aaralang gawing 2 linggo na lamang

0 272

Advertisers

BINIGYAN-DIIN ng Department of Education (DepEd) na kanilang pinag-aaralan na iksihan ang summer break ng mga estudyante.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na maaaring palawigin pa ng DepEd ang school year sa taong 2021.
Paliwanag ni Briones, inabot kasi ng anim na buwan ang bakasyon ng mga estudyante dahil sa pagpapaliban ng pagbubukas ng klase bunsod ng COVID-19.
Matatandaang sa halip na Agosto, nagbukas ang klase noong Oktubre lamang.
Marami aniyang leksyon o aralin na dapat na habulin ang mga estudyante dahil sa napahaba ang bakasyon.
Pero ayon kay Briones, ito ay masusi pang pinag-aaralan ng DepEd kung iiksihan ang bakasyon ng mga estudyante. (Josephine Patricio)