Advertisers
Ni Juliet Q. Pacot
NALOKA nang bongga si Ruffa Gutierrez nang matsismis ito na may relasyon daw sila ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Ayon kay Ruffa, wala sa bokabularyo niyang patulan si Herbert dahil itinuturing niya itong “mentor” at marami siyang natutunan lalo sa usapin ng pag-ibig.
Nagtataka raw ang aktres kung bakit bigla siyang na-target na gawan ng istorya sa dating alkalde gayung magkaibigan lang talaga sila.
“Bakit ba kami natsitsismis? Nakakaloka!” tumatawang pahayag ng 46-anyos na aktres.
Nag-ugat marahil ang tsismis nang mag-team up daw sila sa The House Arrest Of Us.
“Kasi siyempre, parang… andaming nagme-message sa akin na mga fans, naku-cute-an sila sa amin.
“Kasi, parang… ‘Ay, ang cute! Pwede pala! Height doesn’t matter!’
“Kaya tuloy iyong mga may crush sa akin, ‘tapos medyo maliit sa akin, biglang nagkaroon ng pag-asa. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Kasi, di ba, usually ang type ko, tall, dark and handsome. ‘Tapos biglang… with my team-up with Mayor—I call him Mayor—ahhm, naiiba.
“Di ba? Biglang… ‘Ay!’ Unexpected kaya naging comedy.
“So, sana, matuluy-tuloy iyon for Season 2. And meron din kaming ibang projects together. Hopefully, matuloy ‘yon.”
“He has always known me in different eras of my life. 14, naging leading lady niya ako sa Takbo, Bilis, Takbo. Marami na kaming projects together.
“So, ngayon, we reconnected in this era in my life now na medyo 40s na ako, 50s siya.
“Pero ang tingin ko kasi kay Mayor, isa siyang mentor. Isa siyang parang… ang tawag ko nga sa kanya minsan, Professor Bautista.
Pati sa pag-ibig, may natutunan siya kay Mayor Herbert?
“No!” tili ni Ruffa.
“Hindi, nag-e-enjoy lang kami. Platonic lang. Hindi yung… Over naman ‘yon, na parang… ‘Till death do us part, we love each other’? No!!!
“You know, ano… hindi, hindi ganoon. Natatawa naman ako sa inyo, grabe! Hindi!
Iwas sa usaping lovelife si Ruffa na understandable dahil kahihiwalay lang nito sa foreign boyfriend. Baka sabihing rebound lang. Iwas din, kasi si Herbert ang pinag-uusapan. Kasi naman, may huling post pa ng kung anik-anik na subok na talk show nila ni Kris Aquino.
Mas excited daw siyang makita na nagdidirek na si Herbert dahil maganda ang na-submit niyang output sa klase kay Ricky Lee.