Advertisers

Advertisers

‘MAGING PRAKTIKAL’ – ISKO

Sa may duda at takot sa bakuna:

0 353

Advertisers

“I respect your doubts and fear of vaccine but we have to be practical.”

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng panghihikayat niya sa mga residente ng lungsod na magpabakuna at pag-aralan ang pakinabang nang mga mababakunahan at ang disadvantages ng mga tatanggi sa bakuna.

“Di ko maiaalis dala na din ng kasaysayan o naganap ilang taon nang nakakaraan but remember, let us be practical. I encourage each and everyone for the simple reason that anything above zero is positive,” sabi ni Moreno



Binanggit ng alkalde na may napakalaking kalamangan ang mga taong magpagpapabakuna pagdating sa benepisyong makukuha dito kaysa sa mga tatangging magpabakuna. Ginagarantiyahan din ng alkalde na ang bakunang gagamitin ay sinertipikahang ligtas ng local health authorities tulad ng Food and Drug Administration (FDA) at ito ay libre.

“Ano ba ang mahalaga, proteksyon o habambuhay kang nangangamba?” tanong ni Moreno

Idinagdag pa nito na: “In just a matter of time, we will have it (vaccine). It is not a guarantee na di na tayo magkaka-COVID ngunit kung tayo ay magkakabakuna, no matter kung ilang percent, meron tayong panlaban at di tayo mauuwi at mapabibilang sa severe cases.”

Naniniwala ang alkalde na sa halip na iwasan ang pinagdududahang peligro ay makabubuting harapin ito at iginiit na kailangan na nating ituloy ang takbo ng ating buhay ng may pag-iingat, itanim sa isip ang minimum health protocols at gawin ito ng palagian.

Muli ay hinimok ng alkalde ang mga residente ng lungsod na hindi pa nakakapagparehistro na magrehistro sa www.covid19vaccine.com para sa libreng bakuna. Sinabi rin ng alkalde n hindi komo’t nakapagrehistro ay hindi na magbabago ang isip.



Sinabi naman ni Vice Mayor Honey Lacuna na mayroon ng 676,461 indibidwal ang nagpahayag ng kagustuhang magpabakuna matapos na ang mga ito ay magparehistro sa COVID-19 vaccination program ng lungsod.

Ang nasabing bilang ay mula naman sa ulat na nagmula sa Manila Health Department (MHD) na pinamumunuan ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, na siya ring humahawak ng masterlist ng priority groups sa pamamagitan ng mga nagparehistrong interesado sa libreng bakuna.

Samantala ay pinangunahan ni Lacuna at Pangan ang mass vaccination simulation sa mga senior citizens noong Huwebes, Feb. 18 sa Legarda Elementary School, Sampaloc, Manila. (ANDI GARCIA)